Laguna De Bay – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Laguna De Bay

Mga armadong grupo sa Laguna Lake, didis-armahan ng DENR

Mga armadong grupo sa Laguna Lake, didis-armahan ng DENR

Provincial
Mag-iinspeksiyon ngayong araw ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa Laguna De Bay. Inaasahang kukumpiskahin ng mga ito ang umano’y mga armas na ginagamit ng private guards ng mga may-ari ng mga fish pen sa lugar. Katuwang ng DENR at LLDA ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa operasyon. Target ng mga ito ang umano’y labinlimang armadong grupo mula sa Taguig at Muntinlupa. Nagbanta rin ang mga awtoridad na ipaaaresto ang mga armadong grupong walang maipakikitang kaukulang mga dokumento para sa kanilang mga armas. Noong nakaraang linggo ay pinagbabaklas ng mga awtoridad ang mga fish pen o baklad sa lugar dahil sa walang permiso ang mga ito.