laban – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: laban

Impeachment complaint laban kay Robredo isasapubliko ngayong araw

Impeachment complaint laban kay Robredo isasapubliko ngayong araw

National News
Isasapubliko ngayong araw ang kopya ng impeachment case na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi ni Atty. Trixie Angeles na haharap sa media ang mga maghahain ng complaint bago ito tutuloy sa tanggapan ng secretary general ng House of Representatives. Pangungunahan nina Atty. Oliver Lozano at Mel Chavez ang paghahain ng impeachment complaint. Pangunahing rason daw ng planong pagpapatalsik kay Robredo ang ipinadala nitong video message sa United Nations (UN) kaugnay ng mga kaso ng mga pagpatay sa Pilipinas. Una nang inihayag ng ilang mambabatas na hindi impeachable offense ang ginawa ni Robredo, kaya dadaan muna ito sa pagsusuri ng House Committee on Justice.
100 congressmen handang iendorso ang impeachment complaint laban kay Robredo

100 congressmen handang iendorso ang impeachment complaint laban kay Robredo

National News
Nakahanda umano ang nasa sandaang congressmen na iendorso ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang pagmamalaking inihayag ng pangunahing complainant na si Atty. Oliver Lozano. Kumpiyansa rin si Lozano na ieendorso ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez dahil ito naman daw ang unang nag-anunsiyo nito. Sinabi pa ni Lozano, na bukod kay Alvarez, may 100 kongresista pa raw na nakahandang mag-endorso sa kanyang ihahaing impeachment complaint laban sa bise presidente. Tiniyak pa ni Lozano na sa pagsapit ng buwan ng Mayo ay napatalsik na sa puwesto si Robredo na umano’y tinik lamang daw sa administrasyon.
Magdalo hindi iaatras ang impeachment complaint laban kay Duterte

Magdalo hindi iaatras ang impeachment complaint laban kay Duterte

National News
Hindi iuurong ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kabila ito ng posibleng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo na mistula umanong ‘resbak’ ng administrasyon sa kaso laban sa pangulo. Ayon kay Alejano, hindi biro ang mga naging paglabag ni Duterte para lamang gawing ‘pamalit-ulo’ si Robredo. Ginawa ni Alejano ang pahayag matapos siyang himukin ni Kabayan Party-list Representative Harry Roque na iatras ang kanyang impeachment complaint kay Duterte. Naniniwala si Roque na dahil sa impeachment complaint kay Duterte kung kaya’t sasampahan din ng parehong reklamo si Robredo. Sinabi rin ni Senate President Koko Pimentel na ang bantang impeachment kay Robredo...
Trillanes siguradong mapatatalsik si Duterte sa inihaing impeachment complaint laban sa pangulo

Trillanes siguradong mapatatalsik si Duterte sa inihaing impeachment complaint laban sa pangulo

National News
Nakasisiguro umano si Senador Antonio Trillanes IV na mapatatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto kapag nakaabot sa Senado ang impeachment complaint na inihain laban dito. Ayon kay Trillanes, mahihirapan ang mga senador na magdesisyon base sa ‘political loyalty’ kapag nakitaan at nasa harap na ng taumbayan ang mga ebidensiya laban kay Duterte. Minaliit din ni Trillanes ang bilang ng kaalyado ng pangulo sa Senado dahil iilan lang aniya ang Duterte die-hard supporters na senador. Kung tutuusin din, ani Trillanes ay last year pa dapat sinampahan si Duterte ng impeachment complaint dahil sa extrajudicial killings (EJKs). Bilang komento, sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na huwag pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari.
De Lima binanatan si Alvarez dahil sa balak na paghahain ng impeachment laban kay Robredo

De Lima binanatan si Alvarez dahil sa balak na paghahain ng impeachment laban kay Robredo

National News
Tinawag ni Senadora Leila De Lima na ‘kabaliwan’ ang banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-impeach si Vice President Leni Robredo. Sinabi ng senadora na ang nasabing banta ay kahambugan lamang sa kapangyarihan ni Alvarez. Betrayal of public trust ang naiisip ni Alvarez na basehan para ma-impeach si Robredo dahil sa pagbatikos nito sa war on drugs sa isang video message para sa United Nations Commission on Narcotics Drugs. Pero ayon kay De Lima, mas maituturing na totoong traydor sa tiwala ng publiko ang mga taong pumipigil sa kalayaang magpahayag at ng mga kumukunsinti sa walang humpay na extrajudicial killings (EJKs). Traydor din aniya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan at pekeng balita at ang mga gumagawa ng mga pekeng ebidensiya at testimonya. Minal...
Mary Jane Veloso, pinayagang tumestigo laban sa kanyang mga recruiter

Mary Jane Veloso, pinayagang tumestigo laban sa kanyang mga recruiter

National News
Pinayagan na ng Nueva Ecija Court si Mary Jane Veloso, ang Pilipina na nasa death row sa Indonesia, na tumestigo laban sa kanyang mga recruiter. Si Veloso ay nahuli ng mga awtoridad sa Yogyakarta Airport na may dalang dalawang kilo ng heroin noong 2010. Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), pansamantalang sinuspindi ang pagbitay kay Veloso noong 2015 para makapagbigay ng testimoniya laban sa kanyang umano’y illegal recruiters na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao. Si Veloso ay nakatakdang magbigay ng salaysay sa Abril a-beinte siyete sa Yogyakarta Prison sa harap ni Nueva Ecija Regional Trail Court Branch 88 Judge Anarica Castillo-Reyes,  mga abugado ng NUPL. Magiging saksi rin sa pagbibigay ng salaysay ni Veloso ang mga prosecutor ng Departmen...
Disbarment case laban kay Atty. Harry Roque, isinampa sa SC

Disbarment case laban kay Atty. Harry Roque, isinampa sa SC

National News
Sinampahan ng disbarment case sa Korte Suprema si Atty. Harry Roque dahil sa umano’y paninira at pagkakalat ng pawang kasinungalingan laban sa kapwa abogado na si Kabayan Party-list Representative Ron Salo. Nakasaad sa inihaing reklamo ni Salo ang ilang mga paninira at alegasyon ni Roque laban sa kaniya na nagsimula noong panahon ng kampanya nang nakaraang eleksyon. Binigyang diin ni Salo sa kaniyang reklamo ang personal na paninira ni Roque kung saan sinama nito ang isyu ng kanyang kasal na nagdulot ng emotional pain sa kaniya at sa kaniyang misis. Giit ni Salo na hindi niya sasagutin ang anumang malisyosong alegasyon laban sa kaniya at sa halip ay pinatatanggalan niya ito ng lisensiya sa Korte Suprema. Kasama rin sa reklamo sina Atty. Joel Butuyan na umano’y naglabas ng artikul...