Kylie Padilla – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Kylie Padilla

Kylie Padilla ibinida ang paghahanda ni Aljur sa pagiging ama nito

Kylie Padilla ibinida ang paghahanda ni Aljur sa pagiging ama nito

Showbiz
Ibinida ng aktres na si Kylie Padilla ang ginagawang paghahanda ng aktor na si Aljur Abrenica para sa pagiging ama nito sa kanilang anak. Ayon sa aktres, nakikita niya ang effort at pagiging mas matured ni Aljur sa pagiging soon-to-be father nito. Aniya, hindi lamang great lover si Aljur, kundi hands on din ito sa daddy duties, bagay raw na mas nakai-in love. Matatandaang buwan ng Enero nang kumpirmahin ng dalawa ang pagbubuntis ni Kylie na sinundan ng pangatlong marriage proposal. Inaasahang isisilang ni Kylie ang panganay nila ni Aljur sa huling linggo ng Hulyo o unang linggo ng Agosto.
Aljur at Kylie, engaged na

Aljur at Kylie, engaged na

Showbiz
Engaged na ang magkasintahan na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Inanunsyo ito kagabi ng Vidanes Celebrity Marketing na naghahawak sa career ni Kylie. Sa gitna ito ng maugong na balitang tatlong buwang buntis si Kylie sa anak nila ni Aljur. Ilang oras naman matapos i-anunsyo ng Vidanes Celebrity Marketing ang engagement ng dalawa, nag-post si Kylie ng mensahe para sa kasintahan. Wala naman kumpirmasyon pa tungkol sa umano’y pagbubuntis ng aktres.