kontaminadong karne – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: kontaminadong karne

Kilu-kilong kontaminadong karne ng baboy nakumpiska sa QC

Kilu-kilong kontaminadong karne ng baboy nakumpiska sa QC

Metro News
Aabot sa pitumpu hanggang walumpung kilong kontaminadong karne ng baboy ang nakumpiska ng Quezon City Veterinary Office mula sa dalawang bahay sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City. Nakatanggap ng sumbong ang mga awtoridad na may ilang residente sa lugar na iligal na ginagawang katayan ng baboy ang kanilang mga bahay. Nakuha sa bahay ng isang Juanita Caraig ang kilu-kilo ng kontamidong karne. Walang naipakitang meat inspection certificate o anumang permit si Caraig sa mga awtoridad. Pinapayagan lamang ang pagkatay ng baboy sa mga awtorisadong slaughterhouse at kailangan ding may meat inspector kapag gagawin ito.
200 kilo ng kontaminadong karne, nakumpiska sa mga palengke sa Quezon City

200 kilo ng kontaminadong karne, nakumpiska sa mga palengke sa Quezon City

Metro News
Umabot sa dalawandaang kilo ng kontaminadong karne ang nakumpiska ng Quezon City Health Office sa Balintawak at Novaliches market. Nakumpiska ang mga double dead na karne sa dalawang tindahan sa Balintawak at sa ilang nagtitinda sa Novaliches dahil sa paglabag sa ordinansya sa pagkakaroon ng maayos na cold storage para sa mga karne. Ayon kay Quezon City Veterinary Office Chief Dr. Ana Marie Cabel, ilang beses nang pinagsabihan ang mga manininda dahil sa kawalan ng maayos na freezer para paglagyan ng mga karne. Nagpaalala naman si Cabel sa mga mamimili na i-double check ang mga karneng nabibili mula sa mga pampublikong pamilihan lalo’t papalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.