Kamara – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Kamara

LP members sa Kamara hindi susuportahan ang impeachment laban sa pangulo

LP members sa Kamara hindi susuportahan ang impeachment laban sa pangulo

National News
Hindi susuportahan ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay deputy speaker at Marikina Representative Miro Quimbo, hindi ‘wise’ at ‘healthy’ para sa demokrasya ang impeachment, lalo’t kailan lamang nangyari ang eleksiyon. Naniwala rin ang highest ranking LP congressman na hindi magtatagumpay ang nasabing impeachment dahil sa laki ng suporta ng publiko kay Duterte at dahil din sa dami ng supporters nito sa Kamara. Itinuturo ng mga kaalyado ng pangulo ang LP na nasa likod umano ng nasabing impeachment at umano’y destabilization plot laban sa pangulo.
Moratorium sa impeachment complaints inirekomenda sa Kamara

Moratorium sa impeachment complaints inirekomenda sa Kamara

National News
Inirekomenda ni Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe na magtakda ang Kamara ng moratorium sa impeachment complaints. Ito ang pahayag ni Batocabe matapos na maghain ng impeachment complaint si Magdalo Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagpapahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa paghahain din ng kaparehas na reklamo laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi ni Batocabe na marami pang mga usapin ang higit na kailangang pagtuunan ng pansin ng Kamara. Halimbawa na lamang aniya rito ay ang ‘contentious’ at ‘divisive’ na charter change. Dahil dito, binigyang-diin ni Batocabe ang kahalagahan ngayon ng pagtatakda ng moratorium sa impeachments sapagkat ‘gulo’ lamang aniya ang maidudulot nito. Giit pa ni Bato...
Impeachment vs Robredo posibleng brasuhin sa Kamara

Impeachment vs Robredo posibleng brasuhin sa Kamara

National News
Naniniwala ang isang mambabatas na makalulusot sa Kamara ang bantang impeachment complaint kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay 1-Ang Edukasyon Party-list Representative Salvador Belaro, makalulusot ang bantang impeachment complaint kung ang bilang ng supermajority ang pagbabatayan. Pero aniya, hindi siya kumbinsidong dapat ay makalusot ito sa Kamara at makaabot sa Senado. Naniniwala naman si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na posibleng maulit ang nangyari sa botohan sa Death Penalty Bill sa botohan naman sa nasabing impeachment laban kay Robredo. Maaari aniyang mawalan ng chairmanship at deputy speakership ang mga kongresistang boboto kontra sa bantang impeachment complaint.
Impeachment complaint laban kay Robredo, malaki ang tiyansang makalusot sa Kamara

Impeachment complaint laban kay Robredo, malaki ang tiyansang makalusot sa Kamara

National News
Kung si Senate President Koko Pimentel ang tatanungin, malaki ang tiyansang ma-impeach ng House of Representatives si Vice President Leni Robredo. Ito ay dahil may solid na 230 supporters si House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara. At dahil sandaang boto lamang ang kailangan mula sa House members ay sigurado aniyang lulusot ang impeachment complaint, lalo’t kung si Alvarez ang mangunguna para rito. Tumanggi naman si Pimentel na magkomento kung ano ang posibleng maging grounds para ma-impeach si Robredo. Hindi aniya maaaring magkomento ang mga senador tungkol sa form at substance ng complaint dahil sila ang magiging hurado sa panahon ng impeachment trial.
Malakanyang naniniwalang may mas malaking plano para pabagsakin si Duterte

Malakanyang naniniwalang may mas malaking plano para pabagsakin si Duterte

National News
Minaliit ng Malakanyang ang impeachment complaint na inihain ng kritiko ng administrasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara. Iginiit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na walang basehan ang mga pinagbatayan sa impeachment complaint laban sa pangulo at nanindigang hindi ang pamahalaan ang nasa likod ng patayan kaugnay ng drug war ng administasyon. Sinabi rin ng palasyo na hindi hinahayaan ng Pangulong Duterte na abusuhin ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan samantlang isinasagawa ng mga ito ang kampanya kontra-droga. Gayunpaman, ipinagtataka naman ng Malakanyang ang tila coordinated at sunud-sunod na pangyayari na laban sa pangulo ay hindi nagkataon at posibleng bahagi ng isang mas malaking plano para pabagsakin ito. Hindi naman iniaalis ng palasyo an...
Palasyo hindi panghihimasukan ang pagkawala ng chairmanship ng ilang mambabatas sa Kamara

Palasyo hindi panghihimasukan ang pagkawala ng chairmanship ng ilang mambabatas sa Kamara

National News
Walang kinalaman ang Malakanyang sa mga kaganapan sa Kamara matapos natanggalan ng committee chairmanship ang ilang mambabatas. Ayon kay Presidential Spokesperson Usec Ernesto Abella, independent body ang Kongreso at hiwalay ito sa trabaho ng Executive Branch. Binigyang-diin ng palasyo na hindi  panghihimasukan ng Ehekutibo ang trabaho ng Lehislatura at kung anuman ang galaw sa Mababang Kapulungan, sarili nila iyon at walang anumang kamay ang palasyo. Magugunitang una nang inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalan niya ng puwesto sa chairmanship ang mga mambabatas na hindi pumabor sa panukalang batas na death penalty.
Mga lider ng Kamara na kumontra sa Death Penalty Bill, papalitan na sa Mayo

Mga lider ng Kamara na kumontra sa Death Penalty Bill, papalitan na sa Mayo

National News
Gugulong na ang inaabangang rigodon sa Kamara sa Mayo. Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi makalilimutan ang pagpapalit sa lahat ng lider ng Kamara na bumoto kontra-death penalty dahil pinagsumite na rin ang mga partido ng kanilang nominadong kapalit ng mga aalising kongresista. Magkakaroon ng Lenten break ang Kongreso mula Marso 18 hanggang Mayo 1, magbabalik-sesyon ito sa Mayo 2. Ani Alvarez, walang maliligtas sa mga papalitang lider kabilang si dating pangulo at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Arroyo. Bukod kay Arroyo, mayroon pang sampung lider ng Kamara na nakaambang maalisan ng committee chairmanship dahil sa pagboto kontra sa Death Penalty Reimposition Bill.
Pagpapalawak sa sakop ng Anti-Sexual Harassment Law, isinusulong sa Kamara

Pagpapalawak sa sakop ng Anti-Sexual Harassment Law, isinusulong sa Kamara

National News
Isinusulong ngayon sa Kamara ni Siquijor Representative Rav Rocamora ang pagpapalawak sa sakop ng Anti-Sexual Harassment Law. Nakasaad sa nasabing panukala na maaari nang parusahan ng sexual harassment ang sinumang mansisipol sa isang babae. Kabilang din sa maaaring kasuhan ng sexual harassment ang mga nangungulit sa pagkuha ng pangalan o phone number. Sa ilalim din ng House Bill 5214 ni Rocamora inaalis na rin ang limitasyong superior-subordinate relationship sa sexual harassment.
Pag-okupa ng Kadamay sa mga pabahay sa Bulacan, pinaiimbestigahan

Pag-okupa ng Kadamay sa mga pabahay sa Bulacan, pinaiimbestigahan

Provincial
Nais paimbestigahan ni Negros Occidental Representative Alfredo Benitez ang pag-okupa ng grupong Kadamay sa housing project ng gobyerno sa Pandi, Bulacan. Sa Resolution No. 875 na inihain ni Benitez, hinikayat nito ang Kamara na alamin ang sinasabi ng National Housing Authority (NHA) na iligal na pag-okupa ng naturang grupo sa mga housing unit. Sa kanyang resolusyon, iginiit ni Benitez na pagkakataon ito ng Kamara na suriing mabuti ang kasalukuyang programang pabahay ng pamahalaan. Dapat din umanong bigyang-pansin kung bakit umabot sa pagiging desperado ang naturang grupo.
De Lima, tumangging maghain ng plea sa kasong ‘disobedience to summon’

De Lima, tumangging maghain ng plea sa kasong ‘disobedience to summon’

National News
Personal na dinaluhan ng nakadetineng si Senadora Leila De Lima ang pagbasa ng kanyang sakdal sa Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 34 sa kasong ‘disobedience to summons.’ Tumanggi si De Lima na maghain ng anumang plea kaya’t ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea. Nag-ugat ang reklamo sa pahayag ng dating driver-lover ni De Lima na si Ronnie Dayan na hinimok umano siya ng senadora na magtago at huwag dumalo sa imbestigasyon noon ng Kamara. Ayon sa mga complainant na sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Justice Committee Chair Reynaldo Umali, ‘disrespect’ sa subpoena ng Kamara ang ginawang ito ni De Lima. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakalabas ng kanyang kulungan sa Philippine National Police (P...