James Yap – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: James Yap

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Sports
Itinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) “Player of the Week” si James Yap matapos na dalhin sa back-to-back victories ang defending champion na Rain or Shine Elasto Painters sa kabubukas pa lamang na 2017 Commissioner’s Cup. Bumida ang two-time “PBA Most Valuable Player” sa dalawang laro ng Elasto Painters kontra-NLEX at Mahindra. Sa pagsisimula ng midseason conference, nakapagtala si Yap ng average na 19.0 points at 3.0 rebounds at dinaig ang young backcourt ng MERALCO Bolts na si Base Amer at Chris Newsome. Susunod namang makasasagupa ng Elasto ang Blackwater Elite sa Linggo.
Rain or Shine panalo kontra Mahindra Floodbuster

Rain or Shine panalo kontra Mahindra Floodbuster

Sports
Panalo ang Rain or Shine Elasto Painters kontra sa Mahindra Floodbuster sa nagpapatuloy na 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup. Hawak pa ng Painters ang kalamangan sa huling walong minuto hanggang makahabol ang Mahindra at madala sa overtime ang laro. Nagwakas sa iskor na 99-95 pabor sa Painters ang laban. Bumida sa laro si Shawn Taggart na kumamada ng 29 na puntos, sampung rebounds at apat na assists. Nagbigay rin ng tig-12 puntos sina James Yap at Beau Belga samantalang sampung puntos naman ang iniambag ni Jeff Chan.
James Yap, nangangapa pa rin sa Rain or Shine

James Yap, nangangapa pa rin sa Rain or Shine

Sports
Aminado si two-time PBA Most Valuable Player James Yap na nangangapa pa rin siya sa sistema ng paglalaro ng Rain or Shine. Matapos ang anim na laro para sa bagong koponan, aminado si Yap na hindi pa siya one hundred percent na nakakapag-adjust. May mga ilang pagkakataon pa nga raw na nawawala-wala pa si James sa paglalaro. Umaasa naman ang dating Hotshots Star Player na makapag-adjust na siya sa quarter o semis.
Mahindra, tinambakan ng Elasto Painter 105-83

Mahindra, tinambakan ng Elasto Painter 105-83

Sports
Bigo ang Mahindra Floodbuster na talunin ang Rain Or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na Pba Philippine Cup. Sa halip, tinambakan pa sila ng Elasto Painter sa iskor 105-83. Bumida sa laro ang bagong lipat na si James Yap na nakaposte ng 18 puntos habang gumawa naman ng 15 puntos, tatlong rebounds at apat na assist si Jericho Cruz. 14 puntos, apat na assist at apat na rebounds naman ang ginawa ni Mav Ahanmisi.
Kris at Bimby, bumisita sa bagong pamilya ni James Yap

Kris at Bimby, bumisita sa bagong pamilya ni James Yap

Showbiz
Bumisita si Kris Aquino at ang anak na si Bimby sa bagong pamilya ni James Yap. Sa social media, ibinahagi ni Kris ang unang pagkikita ni Bimby at nakababatang kapatid. Ayon kay Kris, siya mismo ang kumausap kay James kung maaaring makita ni Bimby ang kaniyang baby brother. Nag-post rin si Kris ng larawan kasama si Bimby at ang girlfriend ni James na si Michela Cazzola. Nagpapasalamat naman aniya si Kris sa magandang pagtanggap sa kanila ni Bimby sa bahay nina James at Michela. Matatandaan na inamin ni Kris na dismayado siya dahil sa hindi pagkausap ni James sa anak nilang si Bimby tungkol sa pagkakaroon nito baby brother.
James Yap, nagsimula ng magtraining kasama ang bagong teammates

James Yap, nagsimula ng magtraining kasama ang bagong teammates

Sports
Nagsimula nang mag-ensayo si two-time PBA MVP James Yap kasama ang kaniyang bagong team. Sa naganap na blockbuster trade, inilipat si James sa koponan ng Rain or Shine Elasto Painters matapos ang 13 years-career sa Star Hotshots. Sa social media account, nag-post pa ang PBA Star ng larawan nila ng mga bago niyang teammates. Nagpapasalamat aniya si James sa pag-welcome sa kaniya ng mga ito.

Bimby malapit nang maging kuya… Misis ni James Yap kumpirmadong nagdadalang-tao

news photo, Showbiz
Malapit na umanong magkaroong ng kapatid at maging kuya si Bimby o Baby James. Ito ay makaraang kumpirmahin ng ama nitong si James Yap na nagdadalang tao ang Italian girlfriend nito na si Michela Cazzola. Aniya, limang buwan ng buntis si Michela at nakatakda itong magsilang sa ikatlong bahagi ng taon. Gayunman, sinabi ni James na hindi pa nito naipapa-alam sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino na magiging kuya na ang kanilang anak na si Bimby.