impeachment – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: impeachment

Dinner invitation ni Duterte kay Robredo, isang ‘trap’ — Trillanes

Dinner invitation ni Duterte kay Robredo, isang ‘trap’ — Trillanes

National News
Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na isa lamang ‘patibong’ ang dinner invitation ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo at mga anak nito. Ayon sa senador, paraan lamang ito ng pangulo para madisarmahan at ‘politically neutralize’ si Robredo. Noong Sabado (Marso 25), kinumpirma ni Duterte na magho-host siya at kanyang pamilya ng isang dinner para kay Robredo at tatlong anak na babae nito. Gayunpaman, wala pang tugon dito ang bise presidente. Sa ngayon, tuloy pa rin ang plano ng mga kaalyado ng pangulo na sampahan ng impeachment si Robredo sa kabila ng panawagan ng pangulo na itigil ito.
P-Noy itinangging may kinalaman ang LP sa impeachment at destabilization laban kay Duterte

P-Noy itinangging may kinalaman ang LP sa impeachment at destabilization laban kay Duterte

National News
Itinanggi ni dating Pangulong Noynoy Aquino na may kinalaman ang Liberal Party (LP) sa planong pag-impeach kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa umano’y destabilisasyon. Sa katunayan, ayon kay Aquino, sa simula pa lamang ay nais na nilang makatulong sa kasalukuyang administrasyon. Umaasa naman ang dating pangulo na hindi magiging ‘number game’ ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi rin ni Aquino na hindi maaani ang mga ipinunla ng nakaraang administrasyon kung puro na lamang away at alitan ang mangyayari ngayon sa bansa.
Park Geun-hye humingi ng tawad sa publiko

Park Geun-hye humingi ng tawad sa publiko

International News
Humingi ng paumanhin ang napatalsik na si South Korean President Park Geun-hye kasabay ng pagharap nito sa korte para kuwestiyunin sa kinahaharap na corruption scandal. Si Park ang kauna-unahang halal na pangulo na napatalsik sa puwesto matapos katigan ng kanilang Constitutional Court ang impeachment sa kanya. Ani Park, makikipagtulungan siya sa imbestigasyon. Si Park ay inaakusahang nakipagsabwatan sa kaibigang si Choi Soon-sil para puwersahin ang malalaking negosyo sa kanila na mag-donate sa dalawang bogus na foundation. Bagama’t hindi pa nakakasuhan ay posibleng maharap sa sampung taong pagkakakulong si Park kung mapatunayang nagkasala.
De Lima binanatan si Alvarez dahil sa balak na paghahain ng impeachment laban kay Robredo

De Lima binanatan si Alvarez dahil sa balak na paghahain ng impeachment laban kay Robredo

National News
Tinawag ni Senadora Leila De Lima na ‘kabaliwan’ ang banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-impeach si Vice President Leni Robredo. Sinabi ng senadora na ang nasabing banta ay kahambugan lamang sa kapangyarihan ni Alvarez. Betrayal of public trust ang naiisip ni Alvarez na basehan para ma-impeach si Robredo dahil sa pagbatikos nito sa war on drugs sa isang video message para sa United Nations Commission on Narcotics Drugs. Pero ayon kay De Lima, mas maituturing na totoong traydor sa tiwala ng publiko ang mga taong pumipigil sa kalayaang magpahayag at ng mga kumukunsinti sa walang humpay na extrajudicial killings (EJKs). Traydor din aniya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan at pekeng balita at ang mga gumagawa ng mga pekeng ebidensiya at testimonya. Minal...
Duterte hindi na masosorpresa kung sangkot si Robredo sa impeachment na inihain laban sa kanya

Duterte hindi na masosorpresa kung sangkot si Robredo sa impeachment na inihain laban sa kanya

National News
Hindi na raw masosorpresa si Pangulong Rodrigo Duterte sakali mang sangkot si Vice President Leni Robredo sa impeachment complaint laban sa kanya. Sinabi pa ng pangulo na hindi siya nakikialam sa buhay ni Robredo kaya huwag ding dapat itong makialam sa kanya. Wala naman daw problema kay Duterte ang impeachment at ipinauubaya na lang niya ito sa tadhana. Ginawa ni Duterte ang naturang pahayag isang linggo lamang matapos niyang sabihing hindi kasali si Robredo sa destabilization plot laban sa kanya.
Impeachment kay Duterte, hindi umano imposible

Impeachment kay Duterte, hindi umano imposible

National News
Naniniwala si Magdalo Representative Gary Alejano na hindi imposibleng ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte. Pero aminado ang kaalyado ni Senador Antonio Trillanes IV na mahirap na mapaalis si Duterte sa puwesto dahil kontrolado nito ang Kongreso. Makikita naman aniya ang suporta ng mga senador at mambabatas kay Duterte sa naging pagdinig tungkol sa umano’y Davao Death Squad (DDS). Sinabi rin ni Alejano na gawa-gawa lamang mismo ng gobyerno ang tungkol sa destabilisasyon.
Impeachment kay Duterte, hallucination lamang daw ni Trillanes

Impeachment kay Duterte, hallucination lamang daw ni Trillanes

National News
Binanatan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa pag-iisip nito na malapit nang ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Panelo, nagha-hallucinate lamang si Trillanes sa pag-iisip nito tungkol sa impeachment. Naniniwala ang senador na mai-impeach si Duterte matapos na isiwalat ni retired SPO3 Arturo Lascañas ang tungkol sa Davao Death Squad (DDS) na umano’y pakana ni Duterte.
Justice Secretary Aguirre, nakikidalamhati sa pamilya ng naulila ni Senador Santiago

Justice Secretary Aguirre, nakikidalamhati sa pamilya ng naulila ni Senador Santiago

National News
Nagpaabot ng pakikidalamhati si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa mga naulila ni Senador Santiago. Ayon kay Aguirre, isang malaking kawalan ang mambabatas bilang isang matalino at walang kapagurang leader at lingkod bayan. Nalulungkot si Aguirre dahil hindi sila nagkaayos ng senadora matapos ang hindi nila pagkakaunawaan sa impeachment laban kay Dating Chief Justice Renato Corona noong Pebrero 2012. Matatandaan na sa kasagsagan ng pagdinig noon ay naging kontrobersyal si Aguirre matapos makunan ng camera na nakatakip ang dalawa nitong tenga habang nagtatalumpati ang senadora. Depensa noon ni Aguirre, nasasaktan na siya sa mga sermon ng senadora sa panig ng prosekusyon matapos bawiin ang lima sa walong Articles of Impeachment laban kay Corona. Sa kabila nito, aminado si Aguirre ...
Senado, hindi raw maiimbestigahan si Duterte sa DDS

Senado, hindi raw maiimbestigahan si Duterte sa DDS

National News
Hindi magagawang maimbestigahan ng senado si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y Davao Death Squad o DDS. Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ang maaari lamang mag-imbestiga sa pangulo ay ang “impeachment at lower house”. Matatandaang, sa isang privilege speech ay inihirit ni Senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan si Duterte sa kaugnayan umano nito sa Davao Death Squad.  
Senado, hindi raw maiimbestigahan si Duterte sa DDS

Senado, hindi raw maiimbestigahan si Duterte sa DDS

National News
Hindi magagawang maimbestigahan ng senado si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y Davao Death Squad o DDS. Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ang maaari lamang mag-imbestiga sa pangulo ay ang “impeachment at lower house”. Matatandaang kahapon, sa isang privilege speech ay inihirit ni Senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan si Duterte sa kaugnayan umano nito sa DDS.