impeachment complaint – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: impeachment complaint

Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

National News
Hindi kinagat ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagrenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kaalyado na nagbabalak na maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay Trillanes, naghuhugas-kamay lamang si Duterte sa isyu. Sinabi pa ng senador na kung hindi naman susundin si Duterte ng kanyang mga alagad ay paniguradong niloloko lamang nito ang taumbayan. Una na rito, nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya iaatras ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo sa kabila ng apela ni Duterte.
Pamilya Marcos di-pabor sa impeachment complaint laban kay Robredo

Pamilya Marcos di-pabor sa impeachment complaint laban kay Robredo

National News
Hindi pabor ang Pamilya Marcos sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang inihayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos kasunod ng paghahain ng impeachment complaint ni Atty. Oliver Lozano na kilalang Marcos loyalist. Ayon kay Marcos, mas gugustuhin pa raw nila lalo na ng kanyang kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos na ipursigi ang election protest laban kay Robredo. Binigyang-diin ng gobernadora na wala ring kinalaman ang kanyang pamilya sa pagsasampa ng naturang impeachment complaint. Aniya, si Lozano umano ay may sariling hakbang at wala silang control dito.
Pangulong Duterte balik-bansa na

Pangulong Duterte balik-bansa na

National News
Balik-bansa na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa official visit nito sa bansang Myanmar at Thailand. Mag-aalas-tres kaninang madaling-araw nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal ang sinakyang eroplano ng pangulo. Ipinagmalaki ng pangulo sa kanyang arrival speech na naging mabunga ang naging biyahe niya sa dalawang bansa. Napagkasunduan aniya ng Pilipinas at Myanmar ang mas pagpapalakas ng kalakalan at ekonomiya. Kabilang naman sa mga natalakay ng pangulo sa kanyang speech ang usapin sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga, muling pagbanat sa European Union (EU), usapin sa West Philippine Sea (WPS) at ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Mainit namang sinalubong ang pangulo ng ilang miyembro ng kanyang Gabin...
Mga mambabatas hinimok na magpokus sa trabaho kaysa sa sayangin ang oras sa impeachment kina Duterte, Robredo

Mga mambabatas hinimok na magpokus sa trabaho kaysa sa sayangin ang oras sa impeachment kina Duterte, Robredo

National News
Hinikayat ni Kabayan Party-list Representative Harry Roque ang mga kapwa mambabatas na magpokus na lamang sa kanilang mga tungkulin kaysa sa pagkaabalahan pa ang impeachment complaints laban sa pangulo at pangalawang pangulo. Ayon kay Roque, hindi pa man nag-iisang taon matapos ang eleksiyon ay pinag-uusapan na agad ang pagpapatalsik sa puwesto ng mga pinuno ng bansa. Mauubos din umano ang panahon ng mga kongresista sa impeachment sa halip na magampanan ang trabaho sa lehislatura.
Lagman sinita si Quimbo sa pahayag na di-susuportahan ng LP ang impeachment laban kay Duterte

Lagman sinita si Quimbo sa pahayag na di-susuportahan ng LP ang impeachment laban kay Duterte

National News
Sinita ni Albay Representative Edcel Lagman ang kapartidong si Deputy Speaker Miro Quimbo sa pahayag nito na hindi susuportahan ng Liberal Party (LP) ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Lagman, hindi kinonsulta ni Quimbo ang mga miyembro ng LP bago nito ginawa ang naturang pahayag. Ni wala pa nga aniyang ipinatatawag na pulong ang liderato ng LP para pag-usapan ang impeachment complaint laban sa pangulo. Kinontra rin ni Lagman ang pahayag ni Quimbo na iresponsable at hindi napapanahon ang reklamong inihain laban sa pangulo. Ani Lagman, ‘sufficient in form and in substance’ ang inihaing impeachment complaint laban kay Duterte.
Impeachment complaint laban kay Robredo isasapubliko ngayong araw

Impeachment complaint laban kay Robredo isasapubliko ngayong araw

National News
Isasapubliko ngayong araw ang kopya ng impeachment case na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi ni Atty. Trixie Angeles na haharap sa media ang mga maghahain ng complaint bago ito tutuloy sa tanggapan ng secretary general ng House of Representatives. Pangungunahan nina Atty. Oliver Lozano at Mel Chavez ang paghahain ng impeachment complaint. Pangunahing rason daw ng planong pagpapatalsik kay Robredo ang ipinadala nitong video message sa United Nations (UN) kaugnay ng mga kaso ng mga pagpatay sa Pilipinas. Una nang inihayag ng ilang mambabatas na hindi impeachable offense ang ginawa ni Robredo, kaya dadaan muna ito sa pagsusuri ng House Committee on Justice.
100 congressmen handang iendorso ang impeachment complaint laban kay Robredo

100 congressmen handang iendorso ang impeachment complaint laban kay Robredo

National News
Nakahanda umano ang nasa sandaang congressmen na iendorso ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang pagmamalaking inihayag ng pangunahing complainant na si Atty. Oliver Lozano. Kumpiyansa rin si Lozano na ieendorso ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez dahil ito naman daw ang unang nag-anunsiyo nito. Sinabi pa ni Lozano, na bukod kay Alvarez, may 100 kongresista pa raw na nakahandang mag-endorso sa kanyang ihahaing impeachment complaint laban sa bise presidente. Tiniyak pa ni Lozano na sa pagsapit ng buwan ng Mayo ay napatalsik na sa puwesto si Robredo na umano’y tinik lamang daw sa administrasyon.
Magdalo hindi iaatras ang impeachment complaint laban kay Duterte

Magdalo hindi iaatras ang impeachment complaint laban kay Duterte

National News
Hindi iuurong ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kabila ito ng posibleng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo na mistula umanong ‘resbak’ ng administrasyon sa kaso laban sa pangulo. Ayon kay Alejano, hindi biro ang mga naging paglabag ni Duterte para lamang gawing ‘pamalit-ulo’ si Robredo. Ginawa ni Alejano ang pahayag matapos siyang himukin ni Kabayan Party-list Representative Harry Roque na iatras ang kanyang impeachment complaint kay Duterte. Naniniwala si Roque na dahil sa impeachment complaint kay Duterte kung kaya’t sasampahan din ng parehong reklamo si Robredo. Sinabi rin ni Senate President Koko Pimentel na ang bantang impeachment kay Robredo...
LP members sa Kamara hindi susuportahan ang impeachment laban sa pangulo

LP members sa Kamara hindi susuportahan ang impeachment laban sa pangulo

National News
Hindi susuportahan ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay deputy speaker at Marikina Representative Miro Quimbo, hindi ‘wise’ at ‘healthy’ para sa demokrasya ang impeachment, lalo’t kailan lamang nangyari ang eleksiyon. Naniwala rin ang highest ranking LP congressman na hindi magtatagumpay ang nasabing impeachment dahil sa laki ng suporta ng publiko kay Duterte at dahil din sa dami ng supporters nito sa Kamara. Itinuturo ng mga kaalyado ng pangulo ang LP na nasa likod umano ng nasabing impeachment at umano’y destabilization plot laban sa pangulo.
Trillanes siguradong mapatatalsik si Duterte sa inihaing impeachment complaint laban sa pangulo

Trillanes siguradong mapatatalsik si Duterte sa inihaing impeachment complaint laban sa pangulo

National News
Nakasisiguro umano si Senador Antonio Trillanes IV na mapatatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto kapag nakaabot sa Senado ang impeachment complaint na inihain laban dito. Ayon kay Trillanes, mahihirapan ang mga senador na magdesisyon base sa ‘political loyalty’ kapag nakitaan at nasa harap na ng taumbayan ang mga ebidensiya laban kay Duterte. Minaliit din ni Trillanes ang bilang ng kaalyado ng pangulo sa Senado dahil iilan lang aniya ang Duterte die-hard supporters na senador. Kung tutuusin din, ani Trillanes ay last year pa dapat sinampahan si Duterte ng impeachment complaint dahil sa extrajudicial killings (EJKs). Bilang komento, sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na huwag pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari.