Golden State Warriors – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Golden State Warriors

Klay Thompson nanguna sa panalo ng Warriors vs Grizzlies

Klay Thompson nanguna sa panalo ng Warriors vs Grizzlies

Sports
Pinangunahan ni Klay Thompson ang Golden State Warriors sa laban nito kontra sa Memphis Grizzlies, sa score na 106-94. Kumarta ng tatlumpu’t isang puntos si Thompson na nagpakawala ng pitong 3-pointer. Kumamada naman ng dalawampu’t isang puntos si Stephen Curry na may limang 3-pointer, 4 steals at 11 assists. Naitala ng Warriors ang ikapitong sunod na panalo nito sa National Basketball Association (NBA).
Houston Rockets pinataob ang OKC sa NBA

Houston Rockets pinataob ang OKC sa NBA

Sports
Ipinahiya ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder sa paghaharap ng mga ito sa National Basketball Association (NBA), sa score na 137-125. Pinangunahan ni James Harden ang Rockets sa kanyang double-double performance na 22 points at 12 assist. Samantalang nag-ambag ng 31 points si Lou Williams na nagpakawala rin ng pitong 3-pointer. Si Russell Westbrook naman ang nanguna para sa OKC na nagtala ng kanyang ikatatlumpu’t anim na triple double. Hawak ngayon ng Rockets ang 51-22 win loss record sa NBA. Sunod na makahaharap ng Rockets ang Golden State Warriors sa Martes.
Thompson, Curry nagpakawala ng 57 puntos vs OKC

Thompson, Curry nagpakawala ng 57 puntos vs OKC

Sports
Ipinahiya ng Golden State Warriors ang Oklahoma City Thunder nang tapusin nito ang laro sa iskor na 111-95. Nagpakawala ng 34 na puntos si Klay Thompson samantalang 23 puntos naman ang iniambag ni Stephen Curry para daigin ang Thunder. Nakapagposte naman si OKC star Russell Westbrook ng 15 puntos, 8 rebounds at 8 assists. Tinulungan naman si Westbrook ni Victor Oladipo na may 17 puntos. Hawak na ng Warriors ang 56-14 win-loss record samantalang 40-30 naman ang OKC.
Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Sports
Balik na sa basketball court si San Antonio Spurs forward Lamarcus Aldridge matapos ang minor heart issue. Sumailalim si Aldridge sa mga test at eksaminasyon at konsultasyon dahil sa kanyang minor heart arrhythmia. Noong wala si Aldridge ay tinalo ng Spurs ang Golden State Warriors, Atlanta Hawks at Portland Trail Blazers. Hawak ng Spurs ang 52-14 win-loss record na second-best record sa National Basketball Association (NBA).
Curry at Iguodala, nanguna sa panalo ng Warriors vs Hawks

Curry at Iguodala, nanguna sa panalo ng Warriors vs Hawks

Sports
Tig-dalawampu’t apat na puntos ang ipinoste nina Stephen Curry at Andre Iguodala para daigin ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 119-111. Ikinatuwa naman ni Warriors head coach Steve Kerr ang naging performance ni Iguodala na malaki ang naitulong para maresolba ang pagkawala ng injured na si Kevin Durant. Labintatlong puntos naman ang ipinoste ni Klay Thompson samantalang labindalawang puntos naman ang kay Draymond Green. Hawak na ng Warriors ang 52-11 win loss record.
Warriors, wagi kontra-Knicks

Warriors, wagi kontra-Knicks

Sports
Umusad sa ikasampung puwesto si Stephen Curry sa all-time three point list matapos makabawi ang Golden State Warriors sa dalawang magkasunod na talo. Wagi ang Warriors kontra-New York Knicks sa iskor na 112-105. Simula nang hindi na nakapaglaro si Kevin Durant dahil sa knee injury at wala ring gaanong naipoposteng puntos si Curry sa dalawang beses na talo ng Warriors. Pero bumawi ito at kumarta ng 31 puntos at limang three pointers. Dahil dito, naungusan ni Curry sa all-time three point list si Chauncey Billups ng Detroit Pistons. Pinangunahan naman ni Derrick Rose ang Knicks sa kanyang dalawampu’t walong puntos. Hawak ng Warriors ang 51-11 win-loss record samantalang 25-38 naman ang New York Knicks.
New York Knicks, most valuable NBA franchise ayon sa Forbes

New York Knicks, most valuable NBA franchise ayon sa Forbes

Sports
Ang New York Knicks pa rin ang pinaka-valuable franchise sa National Basketball Association (NBA). Sa report ng Forbes, nasa 3.3 billion dollars ang halaga ngayon ng Knicks base sa kanilang taunang valuations survey sa mga koponan ng NBA. Nasa 141 million dollars ang operating profit ng Knicks kahit pa hindi maganda ang record nito noong nakaraang NBA season. Kasama rin sa listahan ang Los Angeles Lakers, Golden State Warriors, Chicago Bulls at Boston Celtics.
Curry at Durant, itinanghal na Players of the Month sa NBA Western Conference

Curry at Durant, itinanghal na Players of the Month sa NBA Western Conference

Sports
Pinangalanan bilang Players of the Month sa NBA Eastern at Western Conference sina Isaiah Thomas ng Boston Celtics at Stephen Curry at Kevin Durant ng Golden State Warriors. Nangunguna si Thomas sa nba scoring at nasa ikalimang pwesto naman sa assists sa Eastern Conference. Pang-apat naman sa scoring sa West si Curry habang pang-lima si Durant. Si Curry din ang number one sa nba pagdating sa three-pointers. Kabilang sa nominado para sa Player of the Month sina Paul Millsap ng Atlanta Hawks, Nikola Jokic ng Denver Nuggets, James Harden ng Houston Rockets, Paul George ng Indiana Pacers, Goran Dragic ng Miami Heat, Joel Embiid ng Philadelphia 76ers, Eric Bledsoe at Devin Booker ng Phoenix Suns, Cj Mccollum ng Portland Trail Blazers, Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs at Kyle Lowry ng To...
Winning streak ng Warriors, tinapos ng Heat

Winning streak ng Warriors, tinapos ng Heat

Sports
Pinutol ng Miami Heat ang 7th straight win ng Golden State Warriors sa NBA. Pinadapa ng Heat ang Warriors sa iskor na 105-102. Kumana si Dion Waiters ng 33 points, 5 rebounds at 4 assists para sa heat. Hindi naman umubra ang 70 points nina Stephen Curry, Kevin Durant at Klay Thompson para sa Warriors. Ito na ang ika-labinlimang panalo ng Heat sa NBA Regular Season.
Warrior Guard Kevin Durant, nanawagan ng reporma sa NBA

Warrior Guard Kevin Durant, nanawagan ng reporma sa NBA

Sports
Nanawagan ng reporma sa NBA si Golden State Warriors Guard Kevin Durant. Kasunod ito ng pagtanggap ng NBA sa kanilang kamalian sa naganap na Christmas day game ng Warriors at Cavaliers matapos na hindi tawagan mga referee ng foul ang mga manlalaro ng Cavs. Umaasa si Durant na magsasagawa ng reporma ang NBA at pagsasabihan nito ang kanilang mga referee. Matatandaan na hindi tinawagan ng technical foul si Lebron James matapos itong sumabit sa rim habang hindi rin tinawagan ng foul si Richard Jefferson na nagkaroon ng physical contact kay Durant.