Gilbert Tandog – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Gilbert Tandog

Ginang, 3 iba pa arestado sa paggamit ng shabu sa Caloocan

Ginang, 3 iba pa arestado sa paggamit ng shabu sa Caloocan

Metro News
Natimbog ng mga awtoridad ang isang ginang na naaktuhan pang gumagamit ng droga sa harap mismo ng kanyang mga anak sa Barangay 12, Caloocan City. Nilusob ng Northern Police District (NPD) ang bahay ng ginang na si Irish Enguio matapos makatanggap ng tip na ginagawa umanong drug den ang nasabing bahay. Nahuli rin ng mga pulis ang tatlo pang kasamahan ni Enguio na sina Melvin Enguio, Gilbert Tandog at Rowena Chu. Nakuha sa kanila ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Dinala naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga anak ng suspek.