Georgina Hernandez – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Georgina Hernandez

Robredo hindi hihingi ng paumanhin dahil sa video message tungkol sa war on drugs

Robredo hindi hihingi ng paumanhin dahil sa video message tungkol sa war on drugs

National News
Hindi hihingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo dahil sa mga isiniwalat nitong umano’y iregularidad sa war on drugs ng pamahalaan. Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, wala silang nakikitang rason para humingi ng tawad ang bise presidente. Aniya, ang ginawa ng pangalawang pangulo ay bahagi ng mandato nito na ilabas ang katotohanan at maging boses ng mga pamilyang nawawalan ng lakas ng loob. Iginiit din ni Hernandez na ang video message ni Robredo sa UN Commission on Narcotics Drugs ay batay sa mga kuwento ng mga maralitang biktima ng drug war na dumulog sa kanilang opisina.
Robredo walang balak agawin ang pagkapangulo kay Duterte

Robredo walang balak agawin ang pagkapangulo kay Duterte

National News
Itinanggi ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na apurado siyang maging pangulo. Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, ang bise presidente na ang mismong nagsasabi na wala sa kanyang plano at hindi kailanman gagawin na agawin ang pagiging pangulo. Sa talumpati sa Filipino community sa Myanmar, sinabi ni Duterte na gusto ni Robredo ang kanyang puwesto. Apurado masyado umano si Robredo na maging pangulo. Itinanggi naman ni Robredo na kasama sa planong pagpapaalis kay Duterte ang nasabing video message. Bago mai-post sa YouTube ang nasabing video, sinabi ni Duterte na hindi kasama si Robredo sa umano’y destabilization plot laban sa kanya.
Kampo ni Robredo hindi nababahala sa bantang impeachment complaint

Kampo ni Robredo hindi nababahala sa bantang impeachment complaint

National News
Hindi umano nababahala ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng pinaplantsang impeachment complaint laban dito ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, naniniwala sila na may prinsipyo at papanig sa katuwiran ang karamihan sa mga mambabatas kahit na marami sa mga ito ay kaalyado ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Kaugnay nito, sinabi rin ni Hernandez na mas totoo ang ouster plot kay Robredo kaysa s kay Pangulong Rodrigo Duterte. Araw-araw rin aniya ay palakas nang palakas at palaki nang palaki ang mga ibinabatong isyu sa ikalawang pangulo. Kaya marahil ani Hernandez, kay Robredo mas nakatuon ang sinasabing destabilization plot kay Duterte. Bukod sa nakaambang impeachment complaint, patuloy pa ri...
VP Robredo, di-sangkot sa impeachment complaint vs Duterte — Hernandez

VP Robredo, di-sangkot sa impeachment complaint vs Duterte — Hernandez

National News
Itinanggi ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang mga alegasyong may kinalaman siya sa impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, mismong ang naghain ng reklamo na si Congressman Gary Alejano ang nagsabing Magdalo Group lang ang nasa likod ng impeachment complaint. Malinaw rin aniyang sinabi ng kongresista na walang kinalaman si Robredo sa paghahain ng reklamo. Si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsabing si Robredo ang nasa likod ng impeachment complaint. Ani Alvarez, nagmamadali si Robredo na pumalit kay Duterte.
Pagtulong sa mga biktima ng Bagyong”Nina”, wag gawing political issue—VP Robredo

Pagtulong sa mga biktima ng Bagyong”Nina”, wag gawing political issue—VP Robredo

National News
Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat gawing political issue ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong nina sa Bicol Region. Sa isang panayam, sinabi ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, na nakamonitor ang bise presidente sa pananalasa ng bagyo lalo na sa kabikolan na labis na naapektuhan. Ito ang reaksyon ni Hernandez sa mga pambabatikos sa bise presidente dahil nasa Estados Unidos ito habang sinasalanta ng bagyo ang Bicol Region. Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Robredo para dumalo sa isang family reunion. Samantala, naniniwala naman si Robredo na mabilis na makakabangon ang rehiyon dahil kilala ang mga Bikolano sa pagiging matatag sa anumang suliranin.