Filipino community – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Filipino community

Robredo muling binanatan ni Duterte

Robredo muling binanatan ni Duterte

National News
Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo. Ginawa ito ni Duterte sa harap ng Filipino community sa Thailand. Ayon sa pangulo, apurado si Robredo na paalisin siya samantalang wala pa man siyang isang taon sa puwesto. Nagbiro pa ang pangulo na pakasalan na lamang siya nito para dalawa na sila sa puwesto. Sinabi pa ni Duterte na nagmamadali ang bise presidente samantalang wala pa itong nagagawa para sa bayan.
Duterte nasa Thailand na para sa 3-day official visit

Duterte nasa Thailand na para sa 3-day official visit

National News
Dumating na sa Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw na official visit. Pasado alas-onse kagabi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng pangulo sa Royal Thai Airforce Military Air Terminal 2 sa Bangkok. Kabilang sa inaasahang aktibidad ng pangulo ay ang pakikipagpulong kay Thai Prime Minister Prayuth Chan-Ocha at sa Filipino community sa nasabing bansa. Inaasahan namang tatlong mahahalagang kasunduan ang lalagdaan ng Pilipinas at Thailand na may kaugnayan sa science and technology, agrikultura at turismo.
Alejano tinawag ni Duterte na ‘mayabang’ at ‘duwag’

Alejano tinawag ni Duterte na ‘mayabang’ at ‘duwag’

National News
“Mayabang kayo, mga duwag.” Ito ang itinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Magdalo Representative Gary Alejano. Ginawa ng pangulo ang pahayag sa harap ng Filipino community sa bansang Myanmar. Reaksiyon ito ni Duterte sa balak ni Alejano na maghain ng supplemental complaint kaugnay ng isyu sa Benham Rise. Bukod pa rito ang nauna nang paghahain ni Alejano ng impeachment complaint laban kay Duterte sa Kamara. Ayon sa pangulo, walang karapatang magsalita ng katapangan ang grupo ni Alejano dahil puro kahihiyan lamang umano ang ginawa ng grupo nito noong magsagawa ng mutiny sa Oakwood Hotel sa Makati. Dagdag pa ni Duterte, dapat kay Alejano ay ipadala bilang unang batch ng mga Pilipinong gustong angkinin ang Spratly Islands at makipaglaban sa China.
Same sex marriage ng EU pinagdiskitahan ni Duterte

Same sex marriage ng EU pinagdiskitahan ni Duterte

National News
Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang same sex marriage ng European Union (EU). Ginawa ito ng pangulo sa kanyang mensahe sa harap ng Filipino community sa Nay Pyi Taw, Myanmar. Reaksiyon ito ni Duterte matapos kontrahin ng EU ang kampanya kontra- droga ng pangulo at ang hirit na palayain si Senadora Leila De Lima. Nakapagbitaw pa ng di-magandang salita ang pangulo tungkol sa kultura ng EU na hindi raw uubra sa mga Pilipino. Ang tinutukoy ng pangulo ay ang same sex marriage sa Western countries, kung saan ay hindi raw mahalaga kung parehong babae o lalaki ang nagiging mag-asawa. Giit ng pangulo, na maliban sa pagiging Katoliko, may umiiral na civil code sa Pilipinas na nagsasabing babae at lalaki lamang ang magkaparehang maaaring ikasal. Magugunitang nagbanta ang ...
Robredo walang balak agawin ang pagkapangulo kay Duterte

Robredo walang balak agawin ang pagkapangulo kay Duterte

National News
Itinanggi ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na apurado siyang maging pangulo. Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, ang bise presidente na ang mismong nagsasabi na wala sa kanyang plano at hindi kailanman gagawin na agawin ang pagiging pangulo. Sa talumpati sa Filipino community sa Myanmar, sinabi ni Duterte na gusto ni Robredo ang kanyang puwesto. Apurado masyado umano si Robredo na maging pangulo. Itinanggi naman ni Robredo na kasama sa planong pagpapaalis kay Duterte ang nasabing video message. Bago mai-post sa YouTube ang nasabing video, sinabi ni Duterte na hindi kasama si Robredo sa umano’y destabilization plot laban sa kanya.
Duterte bukas na ayusin ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika sa ilalim ng Trump Administration

Duterte bukas na ayusin ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika sa ilalim ng Trump Administration

National News
Bukas umano si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagmabutihan sa administrasyon ni United States President Donald Trump. Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Myanmar, sinabi ni Duterte na handa siyang ibigay ang lahat ng anuman sa Trump Administration. Pero maliban na lang aniya sa military alliance dahil hindi kakayanin ng Pilipinas. Nabatid na ang maayos na pakikitungo ni Duterte kay Trump ay malayo sa naging pakikitungo nito noon kay dating US President Barack Obama.
Robredo, apurado nang maging pangulo — Duterte

Robredo, apurado nang maging pangulo — Duterte

National News
Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na apurado umanong makuha ang pagkapangulo. Ginawa ni Duterte ang pahayag sa harap ng Filipino community sa Myanmar kagabi. Magugunitang noon lamang nakaraang linggo ay sinabi ni Duterte na hindi kasali si Robredo sa may pakana ng destabilization plot laban sa kanya. Tila naman nag-iba ang ihip ng hangin matapos na batikusin ni Robredo sa pamamagitan ng video message ang war on drugs ng pamahalaan. Sinabi pa ng pangulo na hindi na siya magtataka kung may kinalaman si Robredo sa impeachment case na inihain laban sa kanya.
Pangulong Duterte, tutungong Cambodia ngayong araw

Pangulong Duterte, tutungong Cambodia ngayong araw

National News
Bibiyahe ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Cambodia. Inaasahang ngayong gabi darating ang pangulo sa nasabing bansa. Nakalatag na rin ang state welcome para sa state visit ni Duterte sa Phnom Penh kung saan nakakalat na ang litrato nito at ang watawat ng bansa sa mga kalsada. Makakasama ni Duterte si Senador Manny Pacquiao sa nasabing state visit. Nakatakdang magkaroon ng Bilateral Meeting si Duterte kay Cambodian Prime Minister Hun Shen kung saan inaasahang pag-uusapan ang ASEAN Chairmanship ng Pilipinas sa 2017. Bibisitahin din ni Duterte ang Filipino community sa Cambodia bago lumipad patungong Singapore.
Pangulong Duterte, dumating na sa China para sa four-day state visit

Pangulong Duterte, dumating na sa China para sa four-day state visit

National News
Nasa bansang China na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang apat na araw na state visit. Bandang alas-ocho diyes ng kagabi dumating sa Beijing International Airport ang pangulo kasama sina DFA Secretary Perfecto Yasay, DOF Secretary Carlos Dominguez , DND Secretary Delfin Lorenzana , DTI Secretary Ramon Lopez at PCO Secretary Martin Andanar. Kasama din sina na Hermogenes Esperon, OPAPP Secretary Jesus Dureza, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Senador Alan Peter Cayetano. Ngayong araw nakatakdang makipagkita si Duterte sa Filipino Community doon. Bukas naman magsisimula ang official visit ni Duterte kung saan magkakaroon ng welcome ceremony sa umaga sa Great Hall of the People na susundan naman ng Bilateral Meeting kay Chinese Preside...