EU – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: EU

Pangulong Duterte balik-bansa na

National News
Balik-bansa na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa official visit nito sa bansang Myanmar at Thailand. Mag-aalas-tres kaninang madaling-araw nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal ang sinakyang eroplano ng pangulo. Ipinagmalaki ng pangulo sa kanyang arrival speech na naging mabunga ang naging biyahe niya sa dalawang bansa. Napagkasunduan aniya ng Pilipinas at Myanmar ang mas pagpapalakas ng kalakalan at ekonomiya. Kabilang naman sa mga natalakay ng pangulo sa kanyang speech ang usapin sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga, muling pagbanat sa European Union (EU), usapin sa West Philippine Sea (WPS) at ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Mainit namang sinalubong ang pangulo ng ilang miyembro ng kanyang Gabin...
Article 50 para maisakatuparan ang ‘Brexit’ ikakasa ni British Prime Minister Theresa May

Article 50 para maisakatuparan ang ‘Brexit’ ikakasa ni British Prime Minister Theresa May

International News
Ikakasa na ni British Prime Minister Theresa May ang Article 50 sa Marso 20 para pormal na simulan ang pagkalas ng United Kingdom (UK) sa European Union (EU) na tinaguriang “Brexit.” Naipaabot na umano ng UK Ambassador to the EU na si Tim Barrow sa tanggapan ni EU President Donald Tusk ang intensiyon ni PM May. Ang pag-trigger sa Article 50 ng Lisbon Treaty ang magsisimula ng two-year “Brexit” negotiations, kung saan ay pag-uusapan ang magiging relasyon ng UK at EU sa hinaharap. Inaasahang maisasakaptuparan ang “Brexit” sa taong 2019.
Same sex marriage ng EU pinagdiskitahan ni Duterte

Same sex marriage ng EU pinagdiskitahan ni Duterte

National News
Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang same sex marriage ng European Union (EU). Ginawa ito ng pangulo sa kanyang mensahe sa harap ng Filipino community sa Nay Pyi Taw, Myanmar. Reaksiyon ito ni Duterte matapos kontrahin ng EU ang kampanya kontra- droga ng pangulo at ang hirit na palayain si Senadora Leila De Lima. Nakapagbitaw pa ng di-magandang salita ang pangulo tungkol sa kultura ng EU na hindi raw uubra sa mga Pilipino. Ang tinutukoy ng pangulo ay ang same sex marriage sa Western countries, kung saan ay hindi raw mahalaga kung parehong babae o lalaki ang nagiging mag-asawa. Giit ng pangulo, na maliban sa pagiging Katoliko, may umiiral na civil code sa Pilipinas na nagsasabing babae at lalaki lamang ang magkaparehang maaaring ikasal. Magugunitang nagbanta ang ...
Duterte naglabas ng sama ng loob sa EU sa pakikialam sa human rights situation sa Pilipinas

Duterte naglabas ng sama ng loob sa EU sa pakikialam sa human rights situation sa Pilipinas

National News
Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) dahil sa pakikialam nito sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa. Ayon kay Duterte, paboritong puntiryahin ng EU ang mga bansa sa ASEAN dahil may death penalty ang mga ito gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas na binubuhay pa lamang ang parusang kamatayan. Sinabi rin ng pangulo na bakit hindi na lamang pakialaman ng EU ang sarili nitong usapin. Sa isang statement sa UN Human Rights Council, sinabi ng EU na kinikilala nila ang kahalagahang labanan ang problema sa droga subalit naaalarma umano sila sa napakataas na bilang ng namamatay dahil sa labang ito.
Halos $13 bilyong trade deal sa EU, posibleng mawala kapag naipasa ang death penalty

Halos $13 bilyong trade deal sa EU, posibleng mawala kapag naipasa ang death penalty

National News
Nagbabala si Akbayan Party-list Representative Tom Villarin na mawawala sa Pilipinas ang 12.5 billion dollar trade agreement sa European Union (EU) kung maisasabatas ang parusang kamatayan. Iginiit ng kongresista na signatory ang Pilipinas sa ‘second optional to the international covenant on civil and political rights’ na nagbabawal sa mga bansa na magkaroon ng death penalty. Punto ni Villarin, may kasunduan ang Pilipinas sa karapatang pantao, na isa mga kondisyon gaya na lamang ng trade agreement sa EU.
LI, nagpahayag ng suporta kay Senadora Leila De Lima

LI, nagpahayag ng suporta kay Senadora Leila De Lima

National News
Nagpahayag ng suporta ang International Federation of Liberal Political Parties sa Liberal Party (LP) at pagdepensa sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima. Ayon sa Liberal International (LI), nababahala sila sa pag-aresto kay De Lima at maging sa lumalalang situwasyon ng human rights sa bansa. Sinabi naman ni LI Human Rights Committee Chairman Markus Leoning, na dapat igalang at idepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Saligang-Batas ng bansa at ang karapatan ng mga mamamayan. Una nang kinondena ng LP ang pag-aresto sa senadora na sinasabing resulta ng ‘political vendetta.’ Idudulog umano ng LI sa pamunuan ng European Union (EU) ang kaso ni De Lima para magpasaklolo.
Malakanyang, bukas sa alok na tulong ng EU kaugnay sa “drug rehab efforts” ng Pilipinas

Malakanyang, bukas sa alok na tulong ng EU kaugnay sa “drug rehab efforts” ng Pilipinas

National News
Bukas ang Malakanyang sa alok na tulong ng European Union (EU) sa drug rehabilitation efforts ng Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na hindi tatanggihan ng Duterte Administration ang anumang alok na tulong mula sa EU para sa Drug Rehabilitation Program basta walang kapalit na kondisyon. Umaasa rin si Abella na gaganda ang relasyon ng Pilipinas sa EU sa kabila ng mga pagbatikos sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kanilang mga komento kaugnay sa Extra Judicial Killings sa bansa. Binigyang diin ni Abella, na may mga “areas of cooperation” na maaaring palakasin ng Pilipinas at EU gaya ng trade, justice and security at economic development.
British PM, desididong kumalas sa EU

British PM, desididong kumalas sa EU

International News
Desido si British Prime Minister Theresa May na ituloy ang brexit o ang pagkalas ng k o UK sa European Union o EU sa katapusan ng marso sa susunod na taon. Pinanghahawakan kasi ni May ang nakasaad sa Lisbon Treaty na hindi na dapat umabot pa sa dalawang taon ang pagkalas ng isang bansa sa EU. Hindi rin aniya mahalaga ang desisyon at boto ng parlyamento para maisakatuparan ang pag-alis sa EU dahil gobyerno naman daw ang magdedesisyon dito. Matatandaan na noong hunyo, nanaig ang kagustuhan ng UK na kumalas na EU na binansagan ngang Brexit.