EDSA – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: EDSA

Traffic enforcer sa Pasay City patay nang barilin ng sinitang motorista

Traffic enforcer sa Pasay City patay nang barilin ng sinitang motorista

Metro News
Patay ang isang traffic enforcer sa Pasay City matapos na barilin sa noo ng motorista na sinita ng kanyang kasamahan dahil sa pagsuway sa batas-trapiko. Una umanong sinita ng kapwa traffic enforcer ni Noel Lunas ang driver ng isang AUV sa panulukan ng EDSA at Roxas Boulevard. Kuwento ng kasamahan ng biktima na si Joey de Chavez, nagpakilala ang motorista na pamangkin ng isang heneral saka ito humarurot ng takbo. Hinabol naman ito ni Lunas na mas malapit sa direksiyon ng motorista pero nang abutan niya ang sasakyan ng salarin ay binaril na siya nito. Kumikilos na ang mga awtoridad para matukoy ang suspek na mahaharap sa kasong murder. Nito lamang nakaraang buwan ay isang rider ng motorsiklo ang binaril ng isang nakaalitang motorista.
Paglalagay ng toll sa EDSA pinag-aaralan ng MMDA

Paglalagay ng toll sa EDSA pinag-aaralan ng MMDA

Metro News
Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapataw ng toll sa mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA. Hango umano ang nasabing ideya sa electronic road pricing na ipinatutupad sa ibang bansa gaya ng Singapore at United Kingdom (UK). Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office and Traffic Engineering Center Director Neomie Recio, makatutulong din ang nasabing plano para mabawasan ang trapiko sa EDSA. Sakaling ituloy ito, tanging ang mga pribadong sasakyan lang aniya ang maaapektuhan dahil ang mga ito ang pangunahing nagpapasikip sa EDSA.
Pagpapatupad ng light truck ban, sinimulan na

Pagpapatupad ng light truck ban, sinimulan na

Metro News
Simula na ang pormal na implementasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa light truck ban sa EDSA. Nasa dalawampung maliliit na truck na ang nahuhuli ng MMDA na bumabagtas sa EDSA. Sa ilalim ng nasabing ban, hindi maaaring magbiyahe sa EDSA Southbound ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilos mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga. Ipinagbabawal ding magbiyahe ang mga ito sa EDSA Northbound simula alas- singko hanggang alas-diyes naman ng gabi. Papatawan ang mga ito ng dalawang libong pisong multa. Magtatagal ang light truck ban hanggang Hunyo akinse.
Light trucks bawal na sa EDSA at Shaw Boulevard

Light trucks bawal na sa EDSA at Shaw Boulevard

Metro News
Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng light trucks ban sa EDSA at Shaw Boulevard. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bawal nang dumaan sa EDSA tuwing rush hour ang mga truck na may bigat na 4,500 kilograms pababa. Mula alas-sais ngayong umaga hanggang alas-diyes, bawal nang dumaan sa EDSA Southbound ang light trucks. Mula alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi, bawal namang dumaan sa Northbound ang mga naturang trucks. Nakatakda namang ipatupad ang kaparehong truck ban sa Shaw Boulevard upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Mandaluyong at Pasig. Sa pagtaya ng MMDA, nasa tatlong libong light trucks ang mababawas sa dumadaan sa EDSA at Shaw Boulevard tuwing rush hour. Epektibo naman ang light truck ban simula Lunes hanggang Sabado...
Dry run ng light truck ban, sisimulan sa Miyerkules

Dry run ng light truck ban, sisimulan sa Miyerkules

Metro News
Sisimulan na ang dry run sa ipatutupad na light truck ban sa Marso akinse hanggang adisiotso. Ayon sa implementing agency na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi papayagang dumaan ng EDSA at Shaw Boulevard ang mga truck na may gross capacity na 4,500 kilos mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga at alas-singko hanggang alas-diyes ng gabi. Sa Marso abeinte naman tuluyang ipatutupad ang nasabing ban. Ipatutupad ang light truck ban mula Lunes hanggang Sabado maliban na lamang kung holiday. Magtatagal ito hanggang Hunyo akinse. Nilinaw naman ng MMDA na hindi kasama sa light truck ban ang mga may dala ng perishable goods o madaling masira, mga firetruck at ambulansiya. Papatawan ng dalawang libong piso ang lalabag sa nasabing ban.
MMDA may panukalang bagong odd-even scheme

MMDA may panukalang bagong odd-even scheme

Metro News
May bagong panukala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maresolba ang isyu sa mabigat na daloy ng trapiko. Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, ang panukalang ‘windows 2’ ang bagong modified odd-even scheme sa EDSA. Sa ilalim ng panukala, ang mga sasakyang nagtatapos sa odd numbers gaya ng 1,3,5 at 9 ay hindi maaaring magbiyahe sa EDSA mula alas-siyete hanggang alas-nuwebe, ala-una hanggang alas-tres at alas-singko hanggang alas-siyete. Samantala, ang mga sasakyang nagtatapos naman sa even numbers gaya ng 2,4,6,8 at 0 ay hindi naman maaaring magbiyahe sa EDSA mula alas-nuwebe hanggang alas-onse ng umaga, alas-tres hanggang alas-singko ng hapon at alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng gabi. Pero paliwanag ni Orbos, hindi muna ipatutupad ang ‘...
Pagbabawal sa mga jeep sa EDSA, sisimulan na ng MMDA

Pagbabawal sa mga jeep sa EDSA, sisimulan na ng MMDA

Metro News
Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mga pampasaherong jeep na dumaan sa EDSA simula sa susunod na linggo. Ito ay upang mabawasan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila. Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, magsisimula ang nasabing kautusan sa Guadalupe, Makati City. Magsasagawa rin sila ng clearing operations sa ilang kalsada para maging alternatibong daanan ng mga sasakyan.
Mga pasaherong nasa bus terminal ngayong araw, mas kaunti kumpara kahapon

Mga pasaherong nasa bus terminal ngayong araw, mas kaunti kumpara kahapon

Metro News
Nagsimula nang dumagsa sa mga Bus Terminal ang mga pasaherong pauwi ng Metro Manila ngayong tapos na ang bagong taon. Pero mas kaunti na lamang ang nasa Araneta Center Bus Terminal ngayon sa Cubao kumpara kahapon. Sapat din ang bus na magsasakay sa mga pasahero at kung madedelay man ay dahil na lamang sa masikip na daloy ng trapiko sa EDSA. Samantala, sa Bicol Central Station naman sa Naga City ay nasa limampung libong chance passengers na ang naghihintay para makauwi sa Metro Manila.
PNP-HPG, handang magmando muli ng trapik sa EDSA

PNP-HPG, handang magmando muli ng trapik sa EDSA

Metro News
Nakahanda ang PNP Highway Patrol Group na postehan muli ang kahabaan ng EDSA. Ito ang pahayag ni PNP-HPG Director Chief Supt. Antonio Gardiola kasunod ng mga ulat na maraming motorista at mga bus drivers ang hindi iginagalang ang mga tauhan ng MMDA sa EDSA. Ayon kay Gardiola, sinanay na ng PNP-HPG ang MMDA sa mga tamang pamamaraan ng pagsasaayos ng trapik lalo na sa EDSA. Kasabay nito, nanawagan din si Gardiola sa mga motorista na igalang ang mga taga MMDA dahil may kasanayan ang mga ito na mangalaga ng trapiko. Sa ngayon ay naka-sentro ang PNP HPG sa C5 Road, Commonwealth Avenue at ang mga daan sa palibot ng naia para asistihan ang mga pasahero patungo at palabas ng naia terminals.
Dry run ng “nose in, nose out” policy sa EDSA, umaarangkada na

Dry run ng “nose in, nose out” policy sa EDSA, umaarangkada na

Metro News
Umarangkada na ang dry run ng “nose in, nose out” policy sa mga provincial bus terminal sa EDSA. Sa ilalim ng polisiya, pinagbabawal ang pagmamaniobra ng mga bus papasok at palabas ng kanilang mga terminal na isa sa sanhi ng trapiko sa EDSA. Sa isinigawang dry run ngayong araw, ilang bus terminal ang nakitang hindi sumusunod dito. Simula bukas mahigpit na ipapatupad ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang nasabing polisiya. Ang mga lalabag sa “nose in, nose out” policy ay iisyuhan ng uniform ordinance violation receipt para sa obstruction at disregarding traffic signs na may kaukulang parusa at multa.