EDSA Northbound – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: EDSA Northbound

Pagpapatupad ng light truck ban, sinimulan na

Pagpapatupad ng light truck ban, sinimulan na

Metro News
Simula na ang pormal na implementasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa light truck ban sa EDSA. Nasa dalawampung maliliit na truck na ang nahuhuli ng MMDA na bumabagtas sa EDSA. Sa ilalim ng nasabing ban, hindi maaaring magbiyahe sa EDSA Southbound ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilos mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga. Ipinagbabawal ding magbiyahe ang mga ito sa EDSA Northbound simula alas- singko hanggang alas-diyes naman ng gabi. Papatawan ang mga ito ng dalawang libong pisong multa. Magtatagal ang light truck ban hanggang Hunyo akinse.
EDSA-McKinley service road, ginawa nang two-way ng MMDA

EDSA-McKinley service road, ginawa nang two-way ng MMDA

Metro News
Binuksan ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang Edsa-McKinley service road para makabawas sa bigat ng daloy ng trapiko sa lugar. Two-way scheme na ang ipinatutupad ngayon sa service road, kung saan ay maaaring kumanan ang mga motorista sa Edsa-Northbound para magtungo ng Bonifacio Global City (BGC). Bukas ang Edsa-McKinley service road sa lahat ng pribado at pampublikong sasakyan gaya ng taxi, bus at mga jeep. Inaasahang nasa 1,000 sasakyan kada-oras ang mabebenepisyuhan sa pagbubukas ng nasabing service road.