DZAR1026 – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: DZAR1026

Mga Pinoy sa UK, ligtas sa terror attack — DFA

Mga Pinoy sa UK, ligtas sa terror attack — DFA

National News
Walang napaulat na Pilipinong nadamay sa nangyaring terror attack sa harap mismo ng United Kingdom (UK) Parliament na nangyari kagabi. Ayon kay DFA spokesperson at Assistant Secretary Charles Jose, ang impormasyon ay batay sa monitoring ng Embahada ng Pilipinas sa London. Pero patuloy pa rin aniya ang pagmo-monitor na ginagawa ng embahada sa nangyaring pag-atake. Pinaalalahanan naman ng DFA ang mga Pilipino sa UK na maging mapagmatyag. Dapat aniyang sundin ng mga Pinoy ang advisories ng Philippine Embassy at maging ng UK government para sa kanilang kaligtasan.
Pampasaherong bus, tumagilid sa Elliptical Road sa QC; ilang pasahero, sugatan

Pampasaherong bus, tumagilid sa Elliptical Road sa QC; ilang pasahero, sugatan

Metro News
Tumagilid ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng Elliptical Road sa Lunsod Quezon matapos itong banggain ng isang kotse ngayong umaga. Ayon sa drayber ng bus, papagilid na siya papasok ng East Avenue nang may bigla aniyang sumalpok sa kanyang tagiliran dahilan para tumagilid ang minamaneho niyang bus. Bakas naman sa sumalpok na kotse ang lakas ng pagkakabangga nito sa bus dahil nawasak ang harapang bahagi nito. Sugatan naman ang ilang pasahero ng bus dahil sa insidente. Sa ngayon, nagdudulot na nang mabigat na daloy ng trapiko sa Elliptical Road ang naturang insidente.
12 pasahero ng nawawalang bangka sa Bataan ‘di pa rin natatagpuan

12 pasahero ng nawawalang bangka sa Bataan ‘di pa rin natatagpuan

Provincial
Pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labindalawang pasahero ng maliit na bangkang nawawala mula pa noong Linggo sa bahagi ng Mariveles, Bataan. Galing umano ang nasabing bangka sa Naic, Cavite at patungo sana sa Bataan, kung saan ay dadalo sa isang fiesta ang mga pasahero nito. Ayon kay Rolando Rolloda, chief master ng Arms of Bataan Coast Guard, noong Lunes lamang nila natanggap ang ulat tungkol sa nawawalang bangka. Agad naman aniya silang nagsagawa ng search and rescue operations pero hanggang ngayon ay wala pa silang natatagpuang bakas ng bangka at ng mga lulan nitong pasahero.
4 patay sa terror attack sa London

4 patay sa terror attack sa London

International News
Apat na ang kumpirmadong nasawi samantalang ilan din ang sugatan matapos ang terror attack sa labas ng British Parliament sa London, England. Inararo ng isang sasakyan ang hanay ng mga tao sa Westminster Bridge di-kalayuan sa parliament. Nagpilit umano itong pumasok sa compound ng Westminster Parliament at inundayan ng saksak ang isang police officer na agad na namatay. Kinumpirma naman ng mga awtoridad na kabilang sa apat na nasawi ang salarin na nabaril at napatay ng mga rumespondeng pulis. Isinailalim na sa lockdown ang buong House of Parliament.
Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Sports
Nasungkit ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na panalo sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Blackwater Elite sa iskor na 109-95. Nagpasiklab ulit ng kanyang double-double performance si Cory Jefferson na kumamada ng 28 puntos at 15 rebounds. Umabot sa 21 puntos ang kalamangan ng Aces sa third quarter bago mapababa sa pito ng Elite pagpasok ng huling quarter. Nakatulong din sa panalo ng Aces ang pagkaka-foul out ni Elite import Greg Smith pitong minuto bago matapos ang game.
Babaeng may kasong illegal recruitment, estafa dinampot ng NBI sa Pasay

Babaeng may kasong illegal recruitment, estafa dinampot ng NBI sa Pasay

Provincial
Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Organized Transnational Crimes sa isang entrapment operations sa Pasay City ang isang babaeng sangkot sa illegal recruitment at estafa. Ayon sa NBI, nahaharap sa mga nasabing kaso sa iba’t ibang korte ang suspek na si Gloria Javillonar. Mayroon itong nakabinbing kaso sa mga korte sa San Jose, Oriental Mindoro, Parañaque City at sa Lipa City, Batangas. Inihahanda naman ng NBI ang panibagong kaso kay Javillonar na may kaugnayan sa entrapment operation.
Mga Pinoy sa London pinag-iingat kasunod ng terror attack

Mga Pinoy sa London pinag-iingat kasunod ng terror attack

National News
Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa United Kingdom (UK) ang mga Pinoy sa London. Kasunod ito ng terror attack na malapit sa House of Parliament. Apat na ang napaulat na nasawi sa pag-araro ng isang sasakyan sa Westminster Bridge di-kalayuan sa British Parliament na sinundan ng pananaksak naman ng isang hindi pa nakikilalang lalaki. Isinailalim na sa lockdown ang parliament samantalang iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.
Pia Wurtzbach masayang kabilang sa mga pinagpipilian na gumanap ng ‘Darna’

Pia Wurtzbach masayang kabilang sa mga pinagpipilian na gumanap ng ‘Darna’

Showbiz
Nagpapasalamat si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa siya sa mga nakikita para gumanap bilang susunod na “Darna.” Sinabi pa ni Pia na noon pa man ay pinangarap na niyang gumanap sa nasabing role. Isa rin kasi aniya si “Darna” sa paborito niyang super hero noong bata pa siya. Matatandaang tuluyan nang umatras si Angel Locsin para sa nasabing role dahil sa  spine injury ng aktres.
Pangulong Duterte balik-bansa na

Pangulong Duterte balik-bansa na

National News
Balik-bansa na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa official visit nito sa bansang Myanmar at Thailand. Mag-aalas-tres kaninang madaling-araw nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal ang sinakyang eroplano ng pangulo. Ipinagmalaki ng pangulo sa kanyang arrival speech na naging mabunga ang naging biyahe niya sa dalawang bansa. Napagkasunduan aniya ng Pilipinas at Myanmar ang mas pagpapalakas ng kalakalan at ekonomiya. Kabilang naman sa mga natalakay ng pangulo sa kanyang speech ang usapin sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga, muling pagbanat sa European Union (EU), usapin sa West Philippine Sea (WPS) at ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Mainit namang sinalubong ang pangulo ng ilang miyembro ng kanyang Gabin...
P-Noy itinangging may kinalaman ang LP sa impeachment at destabilization laban kay Duterte

P-Noy itinangging may kinalaman ang LP sa impeachment at destabilization laban kay Duterte

National News
Itinanggi ni dating Pangulong Noynoy Aquino na may kinalaman ang Liberal Party (LP) sa planong pag-impeach kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa umano’y destabilisasyon. Sa katunayan, ayon kay Aquino, sa simula pa lamang ay nais na nilang makatulong sa kasalukuyang administrasyon. Umaasa naman ang dating pangulo na hindi magiging ‘number game’ ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi rin ni Aquino na hindi maaani ang mga ipinunla ng nakaraang administrasyon kung puro na lamang away at alitan ang mangyayari ngayon sa bansa.