Detroit Pistons – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Detroit Pistons

Westbrook naitala ang ika-34 na triple double sa NBA

Westbrook naitala ang ika-34 na triple double sa NBA

Sports
Muling nagpakitang-gilas si Oklahoma City Thunder star Russell Westbrook sa laban nila kontra Toronto Raptors. Nasungkit ni Westbrook ang kanyang ikatatlumpu’t apat na triple-double season performance sa kanyang 24 na puntos, 16 assists at 10 rebounds. Tinapos ng OKC ang laro sa iskor na 123-102. Nag-ambag naman ng 23 puntos si Victor Oladipo para sa Thunder samantalang 22 puntos naman ang ipinoste ni Demar Derozan para sa Raptors. Sunod na makahaharap ng OKC ang Sacramento Kings samantalang Detroit Pistons naman ang makalalaban ng Raptors.
Mark Gasol, bumawi sa Memphis big game

Mark Gasol, bumawi sa Memphis big game

Sports
Pinangunahan ni Veteran Player Marc Gasol ang panalo ng Memphis Grizzlies kontra sa Detroit Pistons sa iskor na 98-86. Bumawi si Gasol matapos pagalitan sila ng kanilang head coach na si David Fizdale. Napansin kasi ni Fizdale na mistulang walang liderato ang koponan at parang tuod lamang na hindi nagreresponde tuwing may praktis. Si Gasol ang tumatayong Star Center at Team Captain ng koponan. Ang Memphis ay meron ng labing siyam na panalo mula sa 31 games. Habang ang Detroit ay hawak ang 14-17 record.