Darna – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Darna

Pia Wurtzbach masayang kabilang sa mga pinagpipilian na gumanap ng ‘Darna’

Pia Wurtzbach masayang kabilang sa mga pinagpipilian na gumanap ng ‘Darna’

Showbiz
Nagpapasalamat si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa siya sa mga nakikita para gumanap bilang susunod na “Darna.” Sinabi pa ni Pia na noon pa man ay pinangarap na niyang gumanap sa nasabing role. Isa rin kasi aniya si “Darna” sa paborito niyang super hero noong bata pa siya. Matatandaang tuluyan nang umatras si Angel Locsin para sa nasabing role dahil sa  spine injury ng aktres.
Angel Locsin sinubukan ang lahat para matuloy ang ‘Darna’

Angel Locsin sinubukan ang lahat para matuloy ang ‘Darna’

Showbiz
Nilinaw ng aktres na si Angel Locsin na ginawa niya ang lahat para matuloy ang inaabangang pagganap niya bilang “Darna.” Ito’y matapos ang balitang hindi na niya magagampanan ang nasabing role. Ayon kay Angel, sinubukan niya ang lahat at pinilit na paghandaan ang role dahil marami ang umaasa sa kanya kahit na ipinakipagsapalaran niya ang kanyang kalusugan. Pero sadyang hindi raw talaga kaya ng kanyang katawan. Handa naman si Angel na turuan at i-guide ang papalit sa kanya bilang Pinay superhero. Kabilang sa mga lumulutang na pangalang pinagpipilian para gumanap na “Darna” ay sina Liza Soberano, Pia Wurtzbach, Maja Salvador, Nadine Lustre at Jessy Mendiola.
Angel Locsin hindi na gaganap bilang ‘Darna’

Angel Locsin hindi na gaganap bilang ‘Darna’

Showbiz
Kinumpirma na ni Angel Locsin na hindi na siya muling makalilipad bilang “Darna.” Paliwanag ni Angel, hindi na siya maaaring gumanap na “Darna” dahil sa muling pananakit ng kanyang spine. Mismong ang training coach na raw ni Angel ang nag-report sa kanyang TV network na nakararamdam ulit siya ng pananakit ng likod. Sinabi naman ng aktres na ayaw niyang madismaya ang fans na umaasang siya ang gaganap na “Darna” sa pelikula pero kailangan niyang tanggapin na hindi na niya ito magagampanan dahil sa kanyang kalagayan. Tiniyak naman ni Angel sa kanyang fans na marami pa siyang ibang gagawing kaabang-abang na proyekto.