Criminal Investigation and Detection Group – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Criminal Investigation and Detection Group

Mga akusado sa pagpatay kay Espinosa mananatili sa CIDG Leyte Detention Cell

Mga akusado sa pagpatay kay Espinosa mananatili sa CIDG Leyte Detention Cell

National News
Pinayagan ng korte ang inihaing mosyon ni Police Supt. Marvin Marcos na pansamantalang maikulong sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Detention Facility Region 8 para sa kanilang kaligtasan. Matatandaang si Marcos at labinsiyam na iba pa ay mga akusado sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. at Raul Yap sa loob mismo ng kulungan nitong nakaraang taon. Ibinase rin ni Judge Carlos Arguilles ang kanyang desisyon sa mga testimoniya ng mga jail warden na overcrowded na ang Baybay City Jail, kung saan ay dalawampu’t lima lang ang kayang i-accommodate sa lugar. Nabatid na sa ngayon ay umaabot na sa walumpu ang nakapiit sa nasabing kulungan. Samantala, wala pa namang itinakdang araw o petsa sa arraignment ng mga ito.
Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

National News
Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 sina Superintendent Marvin Marcos at labinsiyam na iba pang sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, matapos na ilabas ng korte ang arrest warrant laban sa mga suspek ay agad itong isinilbi ng mga awtoridad. Hinihintay na lamang ni Dela Rosa ang pinal na resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service sa kasong administratibo ng dalawampung suspek.
Hukom na nag-isyu ng warrant of arrest para mapasok sa kulungan si Espinosa pinakakasuhan ng DOJ

Hukom na nag-isyu ng warrant of arrest para mapasok sa kulungan si Espinosa pinakakasuhan ng DOJ

National News
Pinakakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong administratibo si Judge Tarcelo Sabare, Executive Judge ng Basey Samar Regional Trial Court. Kaugnay ito ng pag-isyu nito ng search warrant para mapasok ng mga awtoridad ang kulungan nina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at isa pang bilanggo na si Raul Yap. Magugunitang napatay sina Espinosa at Yap sa Leyte Sub-Provincial Jail sa raid na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 noong Nobyembre 5, 2016. Ayon sa DOJ, walang extreme urgency para ipatupad ang operasyon ng alas-tres ng madaling araw dahil pareho namang nakadetine ang dalawa. Matatandaang ang search warrant na nakuha ng grupo ni Supt. Marcos na noo’y namumuno ng CIDG-Region 8 ang ginamit na batayan para mapasok ang...
Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

National News
Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 sina Superintendent Marvin Marcos at labinsiyam na iba pang sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Ayon kay Philippine National Police  (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, matapos na ilabas ng korte ang arrest warrant laban sa mga suspek ay agad itong isinilbi ng mga awtoridad. Hinihintay na lamang ni Dela Rosa ang pinal na resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service sa kasong administratibo ng dalawampung suspek.
2 suspek sa gun-running syndicate tiklo sa Cavite

2 suspek sa gun-running syndicate tiklo sa Cavite

Metro News
Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Transnational Crime Unit ang dalawang hinihinalang miyembro ng gun-running syndicate sa Imus, Cavite. Kinilala ang mga suspek na sina Lhar Ace at kapatid nito na umano’y sangkot sa gun-running activity at pagbebenta ng iligal na droga. Nakumpiska sa dalawa ang pinatuyong dahon ng marijuana, marijuana brick, ilang drug paraphernalia, mga bala at baril.
PNP-IAS ilalabas ang resolusyon sa ilang kasong kinasasangkutan ng mga pulis

PNP-IAS ilalabas ang resolusyon sa ilang kasong kinasasangkutan ng mga pulis

National News
Nakatakdang ilabas ng Philippine National Police- Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga kontrobersiyal na kasong kinasasangkutan ng ilang tauhan ng PNP. Kabilang na rito ang kaso ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, pagpatay sa  Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo at pagkakasangkot ng ilang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) personnel sa kasong kidnapping sa Bulacan. Ayon kay Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, nakatakda nang papirmahan kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resolution para sa kaso laban sa grupo nina SSupt. Marvin Marcos at ang kaso nina SPO3 Ricky Sta. Isabel. Sa susunod na linggo inaasahang mailalabas ang opisyal na desisyon ng PNP ukol sa mga akusadong pulis, alinsunod na rin ...
Lacson, iminungkahing sibakin ang mga opisyal ng CIDG Region-8 sa pagpatay kay Mayor Espinosa

Lacson, iminungkahing sibakin ang mga opisyal ng CIDG Region-8 sa pagpatay kay Mayor Espinosa

National News
Ipinagpatuloy na ng Senado ang pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. samantalang nakakulong sa Baybay Sub-Provincial Jail noong Nobyembre 5 nitong nakaraang taon. Umaasa si Senador Panfilo Lacson na maglalabas na ng resolusyon ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na magpapatalsik sa mga opisyal at ilang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region-8 na responsable sa pagpatay sa alkalde. Una nang nangako sa Senado ang PNP-IAS na tatapusin nila ang administrative case hanggang Marso 31 ng taong kasalukuyan. Para kay Lacson, dapat nang i-dismiss si P/COL. Supt. Marvin Wynn Marcos at mga tauhan ng CIDG Region-8 na kasama sa operasyon. Sa naunang rekomendasyon ng komite ni Lacson, nakagawa umano...
Pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Espinosa planado umano

Pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Espinosa planado umano

National News
Plinano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 ang pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa noong Nobyembre. Ito ang lumabas sa report ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Committee on Justice and Human Rights. Sa ulat ng joint committee, sinabi nito na ginawa ng CIDG-8 ang pagpatay kay Espinosa para pagtakpan ang kanilang pagkakasangkot sa droga. Batay ang nasabing konklusyon ng joint panel sa testimonya ng anak ni Espinosa at self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa. Ayon kay Kerwin, tumanggap ng drug money ang mga operatibang nagsilbi ng search warrant sa Leyte Sub-Provincial Jai, kung saan ay nakakulong at pinatay ang kanyang ama. Kinuwestiyon din ng joint committee ang intensiyon ng CIDG 8 sa pagsisilbi ...
5 milyong pisong mga pekeng cosmetic products, nasabat sa Maynila at Malabon

5 milyong pisong mga pekeng cosmetic products, nasabat sa Maynila at Malabon

Metro News
Nagkakahalaga ng higit limang milyong piso ang mga nakumpiskang pekeng cosmetic at beauty products sa “Oplan Mega Shopper” ng Criminal Investigation and Detection Group sa Maynila at Malabon. Labing-pitong suspek na karamihan ay Chinese Nationals ang inaresto at kinasuhan ng paglabag sa Intellectual Property Code. Isang Cosmetics Company ang nakatanggap ng mga reklamo kaugnay sa pamemeke at pagtitindi ng kanilang produkto sa ilang mga stall sa 999 at 168 malls. Nagbabala naman ang Department of Health sa posibleng sakit at allergies na makuha mula sa paggamit ng mga counterfeit na beauty products.