Caloocan City – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Caloocan City

Ginang, 3 iba pa arestado sa paggamit ng shabu sa Caloocan

Ginang, 3 iba pa arestado sa paggamit ng shabu sa Caloocan

Metro News
Natimbog ng mga awtoridad ang isang ginang na naaktuhan pang gumagamit ng droga sa harap mismo ng kanyang mga anak sa Barangay 12, Caloocan City. Nilusob ng Northern Police District (NPD) ang bahay ng ginang na si Irish Enguio matapos makatanggap ng tip na ginagawa umanong drug den ang nasabing bahay. Nahuli rin ng mga pulis ang tatlo pang kasamahan ni Enguio na sina Melvin Enguio, Gilbert Tandog at Rowena Chu. Nakuha sa kanila ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Dinala naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga anak ng suspek.
Puneraryang pinagdalhan ng labi ni Jee, nakitaan ng paglabag sa batas; may-ari, ginisa sa pagdinig sa Senado

Puneraryang pinagdalhan ng labi ni Jee, nakitaan ng paglabag sa batas; may-ari, ginisa sa pagdinig sa Senado

National News
Nagisa sa pagdinig ng senado ang may-ari ng puneraryang pinagdalhan ng mga labi ng pinatay na Korean businessman na si Jee Ick Joo. Kumbinsido si Senador Grace Poe na may malaking pananagutan sa batas ang may-ari ng Gream Funeral Parlor sa Caloocan City na si Gerardo Santiago, na dating pulis. Itinanggi ni Santiago na siya ang nag-utos na i-flush sa inidoro ang abo ni Jee. Aniya, ipinaubaya na niya sa kaniyang mga empleyado ang pag-cremate sa mga dinadalang bangkay. Dumating pa sa punto na iginiit nito ang right against self incrimination na mas lalong pinagdudahan ni Poe. Sinabi rin ni NBI Director Dante Gierran na dapat alam ni Santiago ang kalakaran ng mga punerarya na accredited ng nbi. Sinabi ni Gierran na kung may mga kwestiyunableng bangkay, dapat ay tinatawag...
Isang pulis, arestado matapos mangikil

Isang pulis, arestado matapos mangikil

National News
Arestado ng binuong Counter-Intelligence Task Force ng Philippine National Police ang isang pulis na nangikil ng pera sa isang nag-aaplay para sa firearms license sa Caloocan City. Isinagawa ng citf ang entrapment operation laban kay PO1 Sonny Pacleb matapos itong ireklamo ng kaniyang biktima na nangikil ng P1,000. Ayon kay CITF Commander Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, dalawang libong reklamo na ang natatanggap nila mula sa mga concerned citizen laban sa mga scalawag na pulis. Mula rin aniya ng buuin ang citf ay limang pulis na ang naaresto nila at isinailalim sa kustodiya ng pnp. Hinimok naman ni Malayo ang publiko na huwag mag-alangang ireklamo ang mga pang-aabuso ng ibang pulis. Kung may reklamo ay maaari umanong itawag sa CITF Hotlines na 0998 970 2286 at 0995 7...
Funeral owner na pinagdalhan ng bangkay ng Korean Nat’l, nakalabas ng bansa

Funeral owner na pinagdalhan ng bangkay ng Korean Nat’l, nakalabas ng bansa

National News
Nakalabas na ng bansa ang may-ari ng punerarya na pinagdalhan ng bangkay ng dinukot na Korean businessman. Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, lumipad patungong Vancouver, Canada ang may-ari ng Gream Funeral Services na si Gerardo Santiago noong Enero 11. Naghain ng leave of absence si Santiago bilang chairman ng Barangay 165, Caloocan City mula Enero 10 hanggang Pebrero 10. Itinuturing ng mga otoridad si Santiago bilang person of interest sa kaso. Si Jee ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18, 2016.
Bangkay ng nawawalang Korean National, isasailalim sa forensic examination

Bangkay ng nawawalang Korean National, isasailalim sa forensic examination

National News
Isasailalim sa forensic examination ang hinihinalang bangkay ng nawawalang Korean National na si Jee Ick Joo. Magugunita na dinukot si Joo ng 8 kalalakihan kabilang ang isang pulis sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18, ng nakaraang taon. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang funeral parlor sa Bagbaguin, Caloocan City. Ayon sa NBI Task Force Against Illegal Drugs, itinuro ng isang hindi pinangalanang impormante ang bangkay. Patuloy namang tinutugis ng NBI ang may-ari ng funeral parlor na posible umanong nakalabas na ng bansa.
3 patay sa pamamaril sa Makati at Quezon City

3 patay sa pamamaril sa Makati at Quezon City

Metro News
Tatlo katao ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City at Makati City kagabi. Patay matapos pagbabarilin ang isang lalaki at dalawang babae sa Barangay Commonwealth Sa Quezon City. Inaalam pa umano ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mga ito. Isa namang lalaki ang binawian din ng buhay sa tapat ng isang bar sa Makati City matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek. Samantala, nanlaban naman umano at napatay ang isang hinihinalang holdaper sa isinagawang Oplan Galugad sa Barangay 49 sa Caloocan City.
4 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Caloocan

4 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Caloocan

Metro News
Tatlong lalaki at isang babae ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City. Dead on the spot ang mga biktimang si Noel Kilantang at isang Maria Teresa sa loob ng magkatabing pauhapaan sa Sto. Nino Raja Sulayman Street, Barangay 178 sa Caloocan. Sugatan din ang dalawa pa nilang kasamahan kabilang na ang dalawang taong gulang na sanggol. Hindi naman matukoy pa kung paano nangyari ang krimen.
2 taong gulang na bata, sugatan

2 taong gulang na bata, sugatan

National News
Sugatan ang dalawang taong gulang na bata matapos aksidenteng mabaril ang sarili gamit ang pengun sa 4th Avenue, Caloocan City. Ayon sa ina ng biktima na si Jocelyn Perdes, nagulat na lamang sila nang makarinig ng putok ng baril. Nagsisisi naman ang kuya ng biktima dahil ipinatago lamang ng kaibigan niya ang pengun. Agad naman isinugod sa Jose Reyes Medical Center ang sugatang bata dahil sa tama sa kaniyang ilong.
Apat, patay nang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila

Apat, patay nang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila

Metro News
Patay ang apat na katao matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila. Kabilang sa napatay si Romeo Joel Torres sa bahagi ng St. Marry Street, Barangay 186, Zone 19, Maricaban, Pasay City. Napag-alaman na sumuko na ang biktima sa Oplan Tokhang subalit ipinagpatuloy pa rin ang iligal na gawain nito. Samantala, patay naman ang barker na si Jack Mendoza matapos pagbabaril habang naglalakad sa 10th Avenue malapit sa kanto ng Rizal Avenue Extension sa Barangay 91, Caloocan City. Kilala umanong tulak ng iligal na droga ang biktima. Pinagbabaril din ng mga hindi nakilalang suspek sina Rogelio Edrada at Cresencio Nepomuceno sa Barangay Valley 1, Paranaque City.