British Prime Minister Theresa May – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: British Prime Minister Theresa May

Article 50 para maisakatuparan ang ‘Brexit’ ikakasa ni British Prime Minister Theresa May

Article 50 para maisakatuparan ang ‘Brexit’ ikakasa ni British Prime Minister Theresa May

International News
Ikakasa na ni British Prime Minister Theresa May ang Article 50 sa Marso 20 para pormal na simulan ang pagkalas ng United Kingdom (UK) sa European Union (EU) na tinaguriang “Brexit.” Naipaabot na umano ng UK Ambassador to the EU na si Tim Barrow sa tanggapan ni EU President Donald Tusk ang intensiyon ni PM May. Ang pag-trigger sa Article 50 ng Lisbon Treaty ang magsisimula ng two-year “Brexit” negotiations, kung saan ay pag-uusapan ang magiging relasyon ng UK at EU sa hinaharap. Inaasahang maisasakaptuparan ang “Brexit” sa taong 2019.
Planong pagbisita ni US President Donald Trump sa Britanya, pag-dedebatihan pa sa United Kingdom Parliament

Planong pagbisita ni US President Donald Trump sa Britanya, pag-dedebatihan pa sa United Kingdom Parliament

International News
Pagdedebatehan pa sa United Kingdom (UK) Parliament ang planong pagbisita ni United States President Donald Trump. Ito ay makaraang umabot sa 1.6 milyon ang pumirma sa isang petisyon para kontrahin ang pagbisita ni Trump sa Britanya. Nakasaad sa nasabing petisyon na kahihiyan sa Queen of Majesty kung bibisita si Trump sa kanilang bansa. Si British Prime Minister Theresa May ang nag-imbita kay Trump na bumisita sa UK na tinanggap naman ng bagong Pangulo ng Amerika.