anak – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: anak

Kylie Padilla ibinida ang paghahanda ni Aljur sa pagiging ama nito

Kylie Padilla ibinida ang paghahanda ni Aljur sa pagiging ama nito

Showbiz
Ibinida ng aktres na si Kylie Padilla ang ginagawang paghahanda ng aktor na si Aljur Abrenica para sa pagiging ama nito sa kanilang anak. Ayon sa aktres, nakikita niya ang effort at pagiging mas matured ni Aljur sa pagiging soon-to-be father nito. Aniya, hindi lamang great lover si Aljur, kundi hands on din ito sa daddy duties, bagay raw na mas nakai-in love. Matatandaang buwan ng Enero nang kumpirmahin ng dalawa ang pagbubuntis ni Kylie na sinundan ng pangatlong marriage proposal. Inaasahang isisilang ni Kylie ang panganay nila ni Aljur sa huling linggo ng Hulyo o unang linggo ng Agosto.
Anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong, pasok sa Binibining Pilipinas 2017

Anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong, pasok sa Binibining Pilipinas 2017

Showbiz
Pasok na bilang official candidate para sa Binibining Pilipinas 2017 ang pang-apat na anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong na si Mariel De Leon. Una nang sumali si Mariel sa nasabing kompetisyon at umabot sa top 15 noong 2013. Todo-suporta naman sa kaniya ang kaniyang pamilya lalo na ang inang si Sandy. Proud din aniya si Sandy na natural ang ganda ng kaniyang anak. Sa Abril nakatakdang ganapin ang Binibining Pilipinas ngayong taon.
Nordstrom Inc., binatikos si US President Trump

Nordstrom Inc., binatikos si US President Trump

International News
Hindi ligtas sa pambabatikos ni United States President Donald Trump kahit ang kumpanya na malapit sa kanilang pamilya. Sa Twitter, naglabas ng sama ng loob si Trump sa Nordstrom Inc. dahil sa aniya’y unfair treatment sa anak niyang si Ivanka. Kasunod ito ng desisyon ng Nordstrom na hindi na nila bibilhin ang clothing line ni Ivanka. Mula nang maluklok sa pwesto, ilang kumpanya na ang binatikos at pinasaringan ni Trump pero ito ang unang pagkakataon na malapit sa kaniyang pamilya ang binatikos ng pangulo.
Uber driver na nambastos sa anak ng DENR Official, kinasuhan na

Uber driver na nambastos sa anak ng DENR Official, kinasuhan na

National News
Sinampahan na ng kaso ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ang isang uber driver na nambastos diumano sa anak nitong babae. Kinasuhan ang uber driver na kinilala lamang na si “Juanito” sa Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Quezon City Court. Noong biyernes ay sinabi ni DENR Assistant Secretary Rommel Abesamis na nagpadala ng mga bastos na text message ang uber driver sa kolehiyalang anak. Ang anak ni Abesamis ay inihatid ni Juanito sa eskwelahan nito. Naghamon din daw ito sa isa pang anak ni Abesamis nang itext ito dahil sa mga bastos na text sa kapatid na babae.