Suspek sa pag-iiwan ng IED malapit sa U.S Embassy, naaresto sa Bulacan


Kinumpirma ng Bulacan Police ang pagkakaaresto ng suspek na responsible sa pag-iwan ng isang improvised explosive device malapit sa U.S Embassy.

Kinilala ang suspek na si Rayson Kilala Sacdal alyas “Rashid Kilala.”

Ayon kay Bulacan Police Provincial Director Senior Superintendent Romeo Caramat, naaresto ang suspek sa Bulakan, Bulacan 9:30 kaninang umaga.

Nangyari ang pag-aresto isang araw matapos ang paglalabas ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ng computerized sketch ng suspek.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *