Saturday, April 29, 2017
Home > Metro News > Sunog sa TriNoma Mall, patuloy na inaapula

Sunog sa TriNoma Mall, patuloy na inaapula


Sumiklab ang isang sunog sa bahagi ng TriNoma Mall sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas-2:25 ng hapon at agad itinaas sa ikalawang alarma.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), hinihinalang nagsimula ang apoy sa stockroom ng appliances.

Isinara muna ang naturang mall samantalang inaapula ang apoy at inililigtas ang isang na-trap na empleyado sa loob nito.

Sa ngayon ay nagtutulung-tulong na ang BFP-Quezon City at ilang fire volunteers para maapula ang apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *