Tuesday, April 25, 2017
Home > Metro News > Sunog sa QC, aabot sa P1.5 milyon ang pinsala

Sunog sa QC, aabot sa P1.5 milyon ang pinsala


Mahigit 200 kabahayan ang natupok ng apoy samantalang nasa higit 700 pamilya ang apektado sa naganap na sunog sa Barangay Damayang Lagi, E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon Sa Bureau of Fire Protection (BFP), pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Naging pahirapan sa mga bombero ang pag-apula sa sunog dahil sa makikitid ang mga daan at dikit-dikit ang mga kabahayan.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *