Sundalo patay sa bakbakan sa Samar


Patay ang isang sundalo matapos makaengkuwentro ng tropa ng militar ang New People’s Army (NPA) sa Samar.

Ayon sa ulat, nasa dalawampung rebelde ang nakasagupa ng military, kung saan ay umabot sa labinlimang minuto ang palitan ng putok.

Posible namang may nalagas din sa hanay ng mga rebelde dahil sa mga bakas ng dugo sa lugar.

Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang militar laban sa rebeldeng grupo at checkpoint sa mga lugar na maaaring daanan ng mga ito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *