Sundalo dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng ASG sa Sulu


Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Mindanao Command na dinukot ng mga hinihinalang Abu Sayyaf members ang isang sundalo sa Patikul, Sulu nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang dinukot na sundalo na si Staff Sergeant Anni Siraji ng 32nd Infantry Batallion.

Bumibiyahe umano si Siraji patungong Barangay Igasan sa Patikul nang dukutin ito ng pitong armadong kalalakihan.

Sa kabila ng pagdukot, hindi naman umano titigil ang AFP sa paglulunsad ng pinaigting na opensiba laban sa teroristang grupo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *