Sundalo dinukot ng ASG sa Sulu


Isang sundalo ang dinukot ng mga hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul Sulu.

Kinilala ang sundalo na si Staff Sergeant Anni Siraji na dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na umanib sa 32nd Infantry Battalion ng joint Task Force Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command, patungong Barangay Igasan si Siraji nang dukutin ng pitong armadong kalalakihan.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang tropa ng militar upang mahanap ang sundalo at mga dumukot dito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *