Sundalo, cafgu na sugatan sa engkuwentro sa NPA sa Samar ginawaran ng medalya


Ginawaran ng medalya ang ilang sundalo at miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nasugatan matapos makaengkuwentro ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Samar, kamakailan.

Tumanggap ng ‘wounded personnel medal’ ang mga ito para sa pagdepensa nila sa kampo ng 52nd Infantry Battalion sa Barangay Hulimot, San Jose De Buan, Samar.

Kabilang sa pinarangalan ay sina Technical Sgt. Lauriano Gallarde, CAFGU Active Auxiliaries Igliser Labong, Armando Mabanan at Dominador Dacles at Sgt. Rolando Ebias.

Dalawa naman na hinihinalang NPA ang nasawi sa naturang engkuwentro.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *