Stonefish Duterte bininyagan na – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Stonefish Duterte bininyagan na


Bininyagan na ngayong araw ang pinakabatang apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Stonefish.

Si Stonefish, na may buong pangalan na Marko Digong Carpio ang ikatlong anak nina Davao City Mayor Sara Duterte at asawang si Attorney Manases Carpio.

Bininyagan siya ni Davao Archbishop Romulo Valles.

Ang seremonya ay dinaluhan ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada.

Bagama’t hindi nakadalo si Duterte sa mismong binyagan ay nakapunta naman ito sa reception sa Matina Enclaves Clubhouse.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *