Saturday, April 29, 2017
Home > Sports > Stephen Curry, gumawa ng 29 points sa ika-29 kaarawan

Stephen Curry, gumawa ng 29 points sa ika-29 kaarawan

Nagposte ng dalawampu’t siyam na puntos si Golden State Warriors Star Stephen Curry sabay ng kanyang ika-29 kaarawan.

Naisalba ni Curry ang koponan sa ikatlo sanang pagkatalo nang tapusin nito ang laro kontra Philadelphia 76ers sa iskor na 106-104.

Nag-ambag naman si Klay Thompson ng dalawampu’t walong puntos.

Dalawampu’t limang puntos naman ang ipinoste ni Dario Saric para sa ikawalong sunod na pagkatalo ng Sixers sa warriors.

Hawak na ng Warriors ang 53-14 win-loss record.

Sunod namang makakaharap ng Warriors ang Orlando Magic sa biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *