SSS, sinita sa bilyon-bilyong Undistributed Collections


Kinuwestiyon ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang Social Security System dahil sa bilyon-bilyong Undistributed Collections.

Sinabihan ni Rep. Zarate ang SSS na pagbutihin ang kanilang trabaho kasunod ng pagkakatuklas sa report ng Commission on Audit na aabot sa humigit kumulang sa sampung bilyong piso na Undistributed Collections nito.

Nagtataka rin ang kongresista kung bakit mabigat ang loob ng SSS na ibigay ang dalawang libong pisong dagdag pension.

Hiling ng kongresista sa ahensiya na huwag hati-hatiin pa ang pagbibigay ng dagdag pension at huwag baratin ang mga miyembro nito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *