Special Police Courts, isinusulong sa Senado


Isinusulong ni Senador Richard Gordon ang paglikha ng Special Police Courts.

Layon ni gordon na mapabilis ang desisyon sa mga usaping kinasasangkutan ng mga tauhan ng PNP.

Nakasaad sa Senate Bill 1274 ni Gordon, dapat mabilis madesisyunan ang mga isyung kinsasangkutan ng mga pulis upang hindi maabala ang mga trabaho ng pulisya, lalo na ang pinaigting na kampanya kontra droga.

Nabatid na inaabot ng ilang buwan sa Internal Affairs Service ang ilang kaso ng mga pulis dahil sa kakulangan ng mga mag-iimbestiga.

Sa nasabing panukala, maglalagay ng Special Police Courts sa mga lalawigan at lungsod na may huwes na appointed ng Regional Trial Courts.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *