SolGen Calida handang tumulong sa pag-impeach kay Robredo – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

SolGen Calida handang tumulong sa pag-impeach kay Robredo


Nakahanda si Solicitor General Jose Calida na tumulong sa plano ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magsampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Calida na handa ang kanyang opisina na magkaloob ng legal services sa oras na ituloy ni Alvarez ang binabalak.

Lumutang ang impeachment laban kay Robredo kasunod ng video report nito sa United Nations Commission on Narcotics Drugs tungkol sa mga iregularidad sa war on drugs ng administrasyon.

Dito isiniwalat ni Robredo ang umano’y ‘palit-ulo’ scheme ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Calida, treasonous act ang ginawa ni Robredo na paninira sa Pilipinas at mga opisyal ng bansa sa international community.

Dahil dito ay kabilang na rin umano si Robredo sa nagpapakana ng destabilisasyon at nagpasulsol sa ‘yellow cult’ para sirain si Duterte na kapag nagtagumpay ay pakikinabangan umano ng bise-presidente.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *