Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > Situwasyon sa Batangas na niyanig ng malakas na lindol bumabalik na sa normal

Situwasyon sa Batangas na niyanig ng malakas na lindol bumabalik na sa normal


Bumabalik na sa normal ang situwasyon sa Lalawigan ng Batangas na niyanig ng malakas na lindol noong Abril 8.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagsipagbalikan na sa kanilang mga bahay ang mga inilikas na residente mula sa mga Bayan ng Tingloy, Mabini, Lemery, Taal at San Luis.

Magpapadala naman ang ahensiya ng psychological processing teams sa Batangas mula Abril 18 hanggang Abril 22 para magsagawa ng critical incident stress debriefing sa mga apektadong residente.

Iniulat naman ng DSWD na umabot na sa P5,295,272 ang halaga ng tulong na naibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *