Signal # 1 sa bagyong Maring, itinaas sa maraming probinsya – PAGASA

Itinaas na sa tropical cyclone signal number one (1) sa maraming probinsya.

Kabilang dito ang Metro Manila, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Nothern Quezon incl. Polillo Island, Rizal, Bulacan, Pampanga, Quirino, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Tarlac, Zambales, Bataan, Pangasinan, Laguna, Quirino, at Aurora.

Huling namataan ang bagyo sa layong 80 km North ng Daet, Camarines Norte at inaasahang maglalandfall sa Quezon-Aurora area ngayong tanghali.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyong Maring nang pakanluran Hilagang Kanluran sa bilis na labing isang kilometro kada oras.

Samantala, ang isa pang bagyo na may local name na Lanie ay namataan naman sa Hilagang bahagi ng Luzon.

Sa ngayon, wala pa itong epekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *