Serena Williams kumpirmadong nagdadalantao


Kinumpirma ng tagapagsalita ng tennis star na si Serena Williams na nagdadalantao ito.

Ayon sa publicist nito na si Kelly Bush Novak, pahinga muna sa paglalaro ng tennis si Williams.

Inaasahang makababalik ito sa 2018.

Pero bago ang kumpirmasyon ay nagpahiwatig na si Williams sa Snapchat post nito na nagpapakita ng baby bump nito.

Ayon naman sa US Tennis Association ay 20 linggong buntis na ang tennis star.

Si Williams ay engaged kay Reddit co-founder Alexis Ohanian.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *