Senadora De Lima, tiniyak na tutuluyan siyang ipakulong ng Duterte Administration


Nasisiguro ni Senadora Leila de Lima na tutuluyan siya ng kasalukuyang administrasyon na ipakulong dahil ito umano ang katuparan ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksiyon ni De Lima sa resolusyong inaasahang ipalalabas na ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mga kasong isinampa laban sa kanya tungkol sa iligal na droga.

Nauna nang sinabi ni De Lima na minamadali ng DOJ ang paglalabas ng resolusyon at ididiretso ang pagsasampa ng kaso sa isang regular na korte at hindi sa Office of the Ombudsman.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *