Thursday, April 27, 2017
Home > News & Update > Sen. Marcos nagpahayag rin ng pagkabahala sa mga technical glitche sa VCMs

Sen. Marcos nagpahayag rin ng pagkabahala sa mga technical glitche sa VCMs

Nababahala si Sen. Bongbong Marcos hinggil sa mga ulat ng pagkakaroon ng Comelec ng technical glitches sa software ng Automated Voting System.

Sinabi nito na hindi umano maiiwasang mabahala sila sa ginagawang paghahanda ng Comelec na puro aberya para sa halalan gayong isa siya sa kandidato sa pagkabise-presidente sa darating na halalan.

Maituturing man umanong simpleng suliranin ang nasabing technical glitch maaari itong makaapekto sa validity ng mga balota.

Gayunman, nagtitiwala pa rin ang senador sa kakayanan ng Comelec at ayaw nitong pangunahan ang poll body.

Magugunitang nasa 2% ng mga balota ang hindi binasa ng mga VCM sa isinagawang verification test kamakailan.

Ulat ni: Janette Africano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *