Sen. Kiko on Duterte — Peace talks


Iminungkahi ni Senador Francis Pangilinan kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni Pangilinan na huwag sanang talikuran ang nasimulan nang peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.

Matatandaang kinansela ni Pangulong Duterte ang peace talks matapos ang serye ng pag-atake ng mga miyembro ng NPA,kung saan ay tatlong militar ang brutal na pinatay ng mga rebelde.

Umaasa si Pangilinan na ang pagsuspindi sa peace process ay pansamantala lamang dahil dapat aniyang mangibabaw ang kahalagahan ng kapayapaan.

Paliwanag ng senador, sadyang masalimuot at komplikado ang proseso tungo sa kapayapaan subalit kailangan aniya itong gawin hanggang sa makamit ang tunay na kapayapaan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *