Satisfaction rating ni VP Robredo, bahagyang bumaba sa pagtatapos ng taong 2016

Nanatili sa good level ang satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa kabila ng pagbaba ng 12 points sa nakaraang fourth quarter survey ng Social Weather Stations o SWS ngayong 2016.

Ayon sa ilang analyst, malaking epekto sa performance ng pangalawang Pangulo ang pagkakaalis ng kaniyang function sa Housing and Urban Development.

Sa survey ng SWS, 58 percent ng mga respondents ay kontento sa performance ni Robredo habang 21 percent ang dissatisfied at 20 percent ang undecided.

Bukod kay Robredo, bumaba rin ang puntos sa net satisfaction rating nina Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *