Tuesday, April 25, 2017
Home > International News > Samsung, kinumpirmang baterya ang sanhi ng pagsabog ng kanilang Galaxy Note 7

Samsung, kinumpirmang baterya ang sanhi ng pagsabog ng kanilang Galaxy Note 7


Tinapos na ng smartphone giant na Samsung ang kanilang imbestigasyon sa mga sumasabog na unit ng kanilang Samsung Galaxy Note 7.

Sa imbestigasyon, napag-alamang mga depektibong baterya ang sanhi ng pag-o-overheat at pagsabog ng mga cellphone unit.

Hindi umano kasya sa cellphone ang mga malalaking baterya at walang sapat na insulation material sa loob ng mga baterya.

Paglilinaw ng Samsung, walang problema sa software o hardware ng Galaxy Note 7.

Tiniyak naman ng kumpanya na hindi na mauulit ang insidente sa kanilang ilalabas na Galaxy S-8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *