Tuesday, April 25, 2017
Home > Showbiz > Same-sex marriage adbokasiya ni Maine Mendoza

Same-sex marriage adbokasiya ni Maine Mendoza


Suportado ni Maine Mendoza ang same-same marriage.

Ito aniya ang adbokasiya ng 22-anyos na aktres dahil naniniwala siyang walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.

Paliwanag pa ni “Yaya Dub,” lahat ng tao, kahit anong kasarian ay may karapatang magmahal kung sino ang nais mahalin ng mga ito.

Wala rin aniyang masama na gawin ang mga bagay na nakapagpapaligaya sa tao, lalo kung wala namang sinasaktang iba.

Samantala, nag-post ng palabang mensahe sa Twitter si Andi Eigenmann laban sa aniya’y makapangyarihang pamilya ni Jake Ejercito.

Si Jake ay anak ni Manila Mayor Erap Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.

Hindi direktang tinukoy ni Andi na ang Pamilya Ejercito nga ang kanyang pinatututsadahan pero hindi naman lingid sa lahat na magkaaway sila ng ama ng kanyang anak na si Ellie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *