Sam Concepcion, spotted sa family dinner ng girlfriend na si Kiana Valenciano


Tila lalong nagiging maayos at maganda ang samahan ng aktor na si Sam Concepcion sa pamilya ng kanyang kasintahan at anak ni Gary Valenciano na si Kiana Valenciano.

Sa Instagram post ng ina ni Kiana na si Angeli Pangilinan, makikita sa isang larawan na kasama sa family dinner si Sam.

Matatandaang nitong Linggo lamang nang kumpirmahin ni Kiana na mayroon silang relasyon ng aktor.

Bago nito, ilang ispekulasyon na ang kumalat sa tunay na estado ng dalawa matapos ang pagpo-post ng mga ito sa social media ng kanilang larawan na magkasama.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *