Sabwatan ni Trump at ng Russia iimbestigahan


Itinalaga ng US Justice Department si dating Federal Bureau of Investigation (FBI) Director Robert Mueller para magsilbing special counsel sa imbestigasyon sa umano’y sabwatan ni US President Donald Trump at ng Russia para impluwensiyahan ang US presidential elections.

Ang hakbang ay ginawa matapos lumabas ang memo na isinulat ng sinibak na si FBI Director James Comey na nagsasaad na humihirit si Trump na itigil na nito ang imbestigasyon sa sinibak ding National Security Adviser na si Michael Flynn.

Kabilang sa mandato ni Mueller ay imbestigahan hindi lamang ang ugnayan ng Russia at ni Trump, kundi maging ang mga pangyayaring naging bunga ng imbestigasyon.

Itinanggi namang muli ni Trump na walang naging pakikipag-ugnayan ang kanyang kampanya sa Russia.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *