Sabong, bawal na rin muna sa Pampanga dahil sa ‘bird flu’ issue

Ipinagbawal na rin maging ang sabong sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Pinol, bahagi ito ng paghihigpit nila dahil sa bird flu outbreak.

Sinabi ni Pinol na sa sabungan ay nagiging expose kahit ang malulusog na manok sa mahihina at infected ng bird flu.

Sa ganitong aktibidad ay hindi rin namo-monitor kung saan galing ang mga manok na inilalaban sa cockpit arena.

Maging ang mga tao ay nagiging lantad sa manok, bagay na nais nilang pansamantalang maiwasan hangga’t hindi pa clear sa pagkalat ang avian influenza.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *