Russian warship bibisitahin ni Duterte


Bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang warship ng Russian Navy.

Nakadaong ang Russian guided missile cruiser Varyag sa Pier 15, South Harbor sa Maynila.

Ito na ang pangalawang pagbisita ng Russian Navy sa Pilipinas.

Nito lamang Enero nang dumaong din ang Russian Destroyer Admiral Tributs.

Binisita rin ng pangulo ang naturang barko at inimbitahan pa ang kapitan na dalasan ang pagbisita sa bansa.

Sa susunod na buwan ay inaasahang magtutungo ang pangulo sa Russia para paigtingin ang defense at bilateral relations ng dalawang bansa.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *