Thursday, April 27, 2017
Home > International News > Russia, kakalas na sa ICC

Russia, kakalas na sa ICC


Kakalas na sa International Criminal Court ang Russia.

Sa isang pahayag, sinabi ng Russian Foreign Ministry na hindi naging Independent at Authoritative International Tribunal ang ICC.

Hindi rin umano ito epektibo sa paghatol para sa International Justice.

Inihalimbawa pa ng Russia na sa loob ng labing-apat na taon ay apat lamang ang sentensyang inilabas ng ICC na ginastusan pa ng isang bilyong dolyar.

Hindi rin umano naging patas ang ICC sa naging paghawak nito sa naging sigalot ng Russia sa Georgia noong 2008.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *