Russia, dapat umanong ‘magbayad’ sa pagkamatay ng mga biktima ng MH17 crash

Umapela kay Russian President Vladimir Putin ang abogado ng mga biktima ng umano’y pinasabog ng Russia na Malaysian airlines plane na Boeing 777.

Sinabi ni Atty. Jerome Skinner, dapat pagbayaran ni Putin ang naturang pangyayari.

Ayon kay Skinner, halos tatlong taon nang naghihintay ng hustisya ang kanyang mga kliyente ngunit wala pa ring resulta ang imbestigasyon.

Magugunitang nag-crash ang MH17, Boeing 777 aircraft sa Ukraine noong July 17, 2014 kung saan halos tatlong daang pasahero dito ay nasawi.

Sa mga inisyal na imbestigasyon na inilabas noong nakaraang taon, ang Boeing 777 aircraft ay pinasabog umano sa pamamagitan ng isang missile na mula sa Russia, bagay na mariin din pinabulaanan ng gobiyerno ng Russia, at ipinapasa ang bintang sa Kiev.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *