Romeo ‘Bobby’ Vasquez pumanaw na


Pumanaw na ang beteranong aktor na si Romeo “Bobby” Vasquez.

Kinumpirma ito ng kanyang apo na si Alyanna Martinez at celebrity son-in-law na Si Albert Martinez.

Wala pang detalye sa pagkamatay ni Bobby na binawian ng buhay sa Kaiser Permanente Hospital sa Los Angeles, California.

Ang dating matinee idol ay kasal sa kanyang dating leading lady na si Amalia Fuentes at isa rin siya sa mga naging leading men ng “Star for All Seasons” na si Vilma Santos.

Kabilang sa kanyang mga pelikula ang “Pretty Boy,” “Ako Ang Maysala,” “Sapagkat Ikaw Ay Akin,” “Maruja” at “Vizconde Massacre Movie.”

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *